Friday , November 22 2024

Imbestigahan ng Kongreso delivery services para sa PNP gun license (‘Gumitna’ lang tubong lugaw na?)

00 Bulabugin JSY
ITO ang masama sa pagnenegosyo sa Philippines my Philippines …

Dahil sa red tape sa ilang ahensiya ng pamahalaan, mayroong mga nakaiisip na gumawa ng raket sa pamamagitan ng pagmi-MIDDLE MAN.

Gaya na lang nga nitong pagde-deliver ng lisensiya ng baril mula sa Philippine National Police (PNP) para sa mga aprubadong aplikante.

Ang objective daw nito ay upang matukoy kung tamang address ang ibinibigay ng aplikante. Kaya imbes iisyu sa mga sangay ng PNP kung saan dapat mag-apply ang aplikante ay mayroon nang isang courier service na inaprubahan ang PNP.

‘Yan ang Werfast Documentation Agency Inc.

Noong May 25, 2011, nagkasundo (walang public bidding!?) ang Werfast at PNP Firearms and Explosives Office (FEO) na i-deliver na lang sa mismong bahay ng aplikante ang kanilang gun license bilang bahagi umano ng effort ng PNP, “to improve gun control measures.”

Pero ang Werfast ay nairehistro o na-incorporate lamang sa Securities and Exchange Commission (SEC) noong Agosto 10, 2011.

Anak ng tungaw!!!

Nauna pang na-accredit ng PNP bago nakompleto ang rekisitos!?

Sa kasalukuyang record ng PNP, mayroon hindi kukulangin sa isang  milyon ang nagmamay-ari ng baril sa bansa. Ang singil ng Werfast sa bawat aplikante ay P190 para sa delivery (mas mataas sa probinsiya).

Pero natuklasan na ang Werfast ay magpapa-deliver lang umano sa LBC. Sinisingil lamang sila ng LBC ng halagang P90.

Ibig sa sabihin, sa bawat lisensiya ng baril ay kumikita na agad ang Werfast ng P100 na kung susumahin sa isang milyon ay lalabas na P100,000,000 isang taon.

Tubong-lugaw!!!

Para kay PNP Chief, Director General Allan Purisima, parehas ang kasunduan ng Werfast at ng PNP.

Sa kanyang paghuhugas ng kamay, sinabi niyang ang nasabing kasunduan ay nangyari noong hindi pa siya chief PNP. Gusto niyang bigyang-diin na noon pa iyon kaya wala akong kinalaman d’yan.

‘E ano po ‘yung sinasabi na ang may-ari umano ng Werfast ay si Ireneo Bacolod, isang retiradong police director, dating hepe ng PNP Civil Security  Group (CSG), ang unit na direktang may administrative supervision sa FEO at dating bossing din ni Purisima.

Isang tsismis pa d’yan sa Kampo Crame ang umabot sa atin, na kasosyo din daw d’yan sa Werfast ang anak ni GEN-P?

Wakas na nga pala ang teleserye ni Honesto at hanggang ngayon ay nawawala pa rin si Mr. Matino.

Mamaga at maglakihan sana ang mga …ilong ninyo!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *