Monday , December 23 2024

Hinaing ng mga pulis kay Mayor Erap

MAY hinaing ang mga Pulis-Maynila kay Mayor Joseph “Erap” Estrada. Hiling nilang ilibre sa mga city-run hospitals ang pagpa-pamedical sa mga nahuhuling suspek.

Pakinggan natin ang kanilang text message sa akin:

“Sir, gud day ho. Gusto lang ho namin iparating sa inyo na sana ‘wag nang patawan ni Mayor Erap ang mga papa-medical na suspects na nahuhuli pag dinadala sa mga pampublikong ospital. P210 kasi kada isang suspek, masyadong mahal na dating walang bayad nung panahon ni Mayor Lim. Sino ang magbabayad pag may pinapa-medical, ang mga pobreng pulis? Na nagtatrabaho lang, mag-aabono pa. Sana mabigyan ho ito ng pansin kung hindi ho maiwasan ang mga charges sa mga ospital. Sana sa mga (charge counter charge) o yung parehong private complainant dun nalang sila magpataw ng bayad sa medical fee ng mga suspek. Wag tayo magtataka isang araw zero crime rate sa Maynila dahil sa wala nang gustong tuluyan ang mga pulis. Dahil ayaw nilang gumastos. Mas lalong nagka-leche-leche na! SOP po kasi ang pa-medical sa huli. Masakit sa bulsa namin ang P210 medical fee. Help naman! – Manila’s Finest, 0929213….

May punto ang ating texter na pulis. Dapat talagang ilibre ng mga public hospital ang medical ng mga nahuhuling suspek dahil mamumulubi ang mga pulis kapag sila ang magbabayad sa medical. Halimbawa: lima ang huli, ipapa-medical nila ito, aba’y higit isanlibong piso ang kanilang babayaran sa medical ng mga suspek. Mabuti kung may pang-abono ang mga pulis, paano kung wala? Baka i-salvage nalang nila ang mga huli. Hehehe…

Ipagpalagay naman nating nare-reemburse sa headquarters ang pinambayad sa medical ng suspek, e paano nga kung walang dalang pera ang pulis nang oras na iyon laluna kung gabi para ipa-medical ang suspek, problema, di ba?

Kaya hiling natin sa city government ng Maynila, pakinggan ang hinaing na ito ng mga pulis ng MPD. Wish ko lang!

Higit daang milyones daw

ang kinita ni Tuason

sa Malampaya Fund

Sa kanyang privilege speech sa Senado nung Miyerkoles, sinabi ni Senador Jinggoy Estrada na mahigit isandaang milyones ang kinitang komisyon ni P10-B pork barrel fund scam whistleblower Ruby Tuazon.

Bakit ngayon lang ito ibinunyag ni Jinggoy? Dahil ba ikinanta narin siya ni Tuazon na nag-deliver sa kanya ng kickbacks mula sa kanyang pinadaloy na daang milyones na pork barrel fund sa mga pekeng foundatiomns ni Janet Napoles?

Si Napoles ay dating social secretary ng tatay ni Jinggoy na si impeached-President Erap. Ahente o broker rin siya ni Napoles sa mga politiko partikular sa mambabatas at govt. officials.

Nabuking sa CCTV ng Senado na halos walong beses nagpabalik-balik si Tuazon sa tanggapan ni Jinggoy sa Senado noong 2008 (sa pagitan ng buwan ng Nobyembre at Disyembre).

Sa madali’t salita lubos na magkakilala sina Jinggoy at Tuazon, taliwas sa sinabi noon ni Jinggoy na hindi niya kilala ang nabanggit na whistleblower. Talagang sa bibig nahuhuli ang isda, ika nga.

Ibinunyag pa ni Jinggoy sa kanyang privilege speech ang napakaraming ari-arian ni Tuazon na nakapangalan daw sa mga kamag-anak nito. Lahat daw ng ito ay galing sa kinita nito sa Malampaya Fund. (Hindi ba sa kanyang pork barrel?)

E, paano naman kaya ipaliliwanag ni Jinggoy ang halos kalahating bilyong halaga ng kanyang bagong mansion sa WakWak?

Kayong mga politiko talaga, Oo. Ang galing nyong mag-imbestiga at bumanat sa katiwalian, e mas kahindik-hindik ang inyong pinaggagawa sa pera ng bayan! Yawa gid!

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *