Friday , November 1 2024

“Nguyngoy” Estrada “bantay-salakay”

HINDI pinalampas ni Sen. Alan Peter Cayetano ang aroganteng postura ni Sen. Jinggoy “Nguyngoy” Estrada nang birahin ang mga kapwa senador dahil sa isinasagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa P10-B pork barrel scam.

Imbes na privilege speech ay nguyngoy lang ng batang nagnganga-ngawa ang naging talumpati ni Estrada kamakalawa sa Senado.

Hindi niya rin akalain na gagamitin ni Cayetano ang kanyang karapatan sa interpellation bilang senador na nagsabing:

“Let me start out by saying that this is not about Senator Jinggoy, this is not about Senator Cayetano. This is about the people’s money. ‘Yung buong institution natin nadudurog, ang pagtingin ng tao ay nadududorg dahil ang tingin nila kung sino pang nagbabantay sa pera ng bayan ay nagbabantay salakay.”

“Bulls eye”, sapol si Estrada sa terminong bantay-salakay.

Totoo naman na ang pagiging bantay-salakay ng mga sangkot sa P10-B pork barrel scam ang nag-udyok sa taong bayan na lumahok sa One Million March sa Luneta noong Agosto 2013 at magalit sa mga senador.

Para nga naman silang kambing na ginawang bantay ng repolyo, at ng baboy na ginawang bantay ng darak.

NANGANGATOG SA SPECIAL COURT

Sa sagutan ng dalawang senador,  lumutang rin ang pangamba ni Nguyngoy sa panukala ni Cayetano na magbuo ng special court sa Sandiganbayan para mapabilis ang paglilitis sa mga kasong may kaugnayan sa pork barrel scam.

Alam kasi ng anak ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada na matutulad siya sa kanyang ama na mabibilanggo rin kapag isinampa ng Ombudsman ang kaso sa Sandiganbayan dahil hindi puwedeng maglagak ng piyansa para pansamantalang makalaya ang taong akusado sa kasong plunder.

Nahalata ang malaking takot ni Nguyngoy nang sabihing nakahanda siyang sagutin ang kaso laban sa kanya kapag nasampa sa Sandiganbayan, pero agad niya itong binawi at sinabi na “huwag naman sana.”

Kaya ganoon na lang ang ‘effort’ ni Nguyngoy na durugin ang kredibilidad nina Dennis Cunanan at Ruby Tuason na mga kapwa rin niya akusado na gusto ng maging state witness sa pork barrel scam.

Pinanindigan naman ni Cayetano na bilang serbisyo-publiko, may obligasyon si Nguyngoy na sagutin ang mga kaso laban sa kanya sa halip na ilihis ang isyu at atakihin ang mga testigo.

“Give us something naman. ‘Di ninyo rin pinaliwanag magkano, saan ninyo nilagay [ang pork barrel]. You’re answering Cunanan even if it’s not in court. What about accusations you are close to Napoles? Doesn’t that deserve answers?”, hirit ni Cayetano.

Sa laki ng kanyang takot, hindi na tuloy naisip ni Nguyngoy na kung hindi nga nilitis ng special division ng Sandiganbayan ang kasong plunder ni Erap, baka hanggang ngayon ay hindi pa tapos ang trial kaya posibleng nakakulong pa rin ang sentensiyadong mandarambong na tatay niya  sa  Tanay, Rizal.

LUMOBO ANG YAMAN SA 133%

SA LOOB NG ANIM NA TAON

ILANG oras ang ginugol ni Nguyngoy para ilitanya ang kuwestiyunable raw na yaman nina Cunanan at Ruby Tuason, na animo’y sa ibang planeta siya nakatira at tigas na pagsasabing wala raw siyang ninakaw kahit singko sa bayan .

Pero noong nakalipas na taon ay iniulat ng Newsbreak ang 133% na paglobo ng yaman ni Nguyngoy, batay sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) mula 2007 hanggang 2012.

Hindi ba’t P120 milyong halaga ng mansion ang ipinatayo niya sa isang malawak na lote sa Wack Wack subdivision sa Mandaluyong City na may presyo rin na daan-daang milyong piso nguni’t hindi naman nakadeklara sa kanyang 2012 SALN?

Ang mga negosyo rin nila ng kanyang asawang si Precy, bagama’t nakarehistro sa Securities and Exchange Commission (SEC)ay wala namang record ng kanilang financial statement na dapat ay taun-taon na isinusumite sa SEC.

Nagkataon lang ba na sa panahong lumago ng husto ang kuwestiyunableng yaman ni Nguyngoy ay matapos ang mga transaksiyon nila ni Janet Lim-Napoles?

Kung mayroon mang nasisiyahan sa mga nangyayaring kamalasaduhan sa gobyerno, ito ay ang bayarang public relations men ng pork barrel scam gang na sina Willy F. at Raymond B. na naglalako ng mga propaganda sa ‘media prostitutes’ para maghulma ng opinyon na inosente ang mga kliyente nilang mandurugas.

‘Yan ba ang walang “dinekwat”?

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

Percy lapid

About hataw tabloid

Check Also

David Charlton Davids Salon

David Charlton pumanaw na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKIKIRAMAY din kami sa pagyao ni sir David Charlton, founder at CEO …

Kim Chiu

Kim Chiu bagong calendar girl ng Tanduay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MUKHANG si Kim Chiu nga ang sinasabing bagong calendar girl ng Tanduay Rhum …

John Wayne Sace Vilma Santos

Vilmanians nalungkot sa krimeng kinasangkutan ni John Wayne Sace

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NALULUNGKOT ang mga kapwa Vilmanian na nagkuwento sa amin hinggil sa kinakaharap na …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *