Friday , November 1 2024

239,000 sako ng ‘smuggled rice’ nabubulok na sa Port of Cebu!

PINANGANGAMBAHANG itatapon na lamang sa dagat ang tinatayang 239,000 sako ng SMUGGLED RICE sa Port of Cebu dahil sa namamaho na ang mga ito at kahit daw aso ay hindi na ito kayang kainin.

Ayon kay deputy collector for administration Paul Alcazaren, posibleng hindi na pwedeng kainin ng tao ang nasabing bigas na PARATING mula sa Vietnam noon pang nakaraang taon.

Sinabi naman ni Customs Operations Officer 1 Ricardo Collantes na ang 239,000 sako ng bigas ay nasa loob ng 478 container vans na kabilang sa 520 “lata” na sinasabing OVERSTAYING na Cebu International Port. MATATANDAAN na mula Marso 22 hanggang Abril 3 ng nakaraang taon ay dumagsa ang PARATING NA BIGAS sa Port of Cebu na tinatayang aabot ng P1.2 bilyon ang halaga na nasa loob ng 1,061 container vans.

Sinabi ng isang customs broker na namamaho na ang mga bigas dahil sa paiba-ibang klema ng panahon na kung minsan ay napakainit sa Cebu at bigla na lang bumubuhos ang ulan.

Aniya, walang sinumang MATINO ANG UTAK na sasali sa bidding sa pagsubasta ng nasabing bigas dahil hindi na mapakinabangan ang mga ito. Samantala, bago pa man nag-LEAVE kahapon si Port of Cebu district Collector Roberto T. Almadin ay tiwala pa rin siyang makukuha mula ang collection target ngayong buwan ng Marso.

Ayon kay Almadin, sa gitna ng kanyang pinatutupad na MGA REPORMA ay nakakolekta ang Port of Cebu ng mahigit P1-BILYON o eksaktong P1,151,778,228 sa harap ng itinoka sa kanila na P941,989,000 collection target para sa buwan ng Pebrero.

UMABOT sa mahigit P209-MILYON ang naging surplus collection ng Port of Cebu kaya saludo kami sa inyo, Collector Almadin!

Junex Doronio

 

About hataw tabloid

Check Also

David Charlton Davids Salon

David Charlton pumanaw na

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKIKIRAMAY din kami sa pagyao ni sir David Charlton, founder at CEO …

Kim Chiu

Kim Chiu bagong calendar girl ng Tanduay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MUKHANG si Kim Chiu nga ang sinasabing bagong calendar girl ng Tanduay Rhum …

John Wayne Sace Vilma Santos

Vilmanians nalungkot sa krimeng kinasangkutan ni John Wayne Sace

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NALULUNGKOT ang mga kapwa Vilmanian na nagkuwento sa amin hinggil sa kinakaharap na …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *