Monday , December 23 2024

Konsehal Bernie Ang gusto yatang maging Foreign Affairs secretary? (Hinay-hinay naman ang EPAL)

00 Bulabugin JSY

MERON na naman bagong isyu na kinakaladkad si Konsehal Bernie Ang.

Habang nasa Hong Kong daw siya at nakikipag-negotiate tungkol sa hostage crisis (isyung kalansay na pilit ibinabangon sa hukay) ay mayroon naman daw nagaganap na harassment sa foreigners (Chinese nationals) sa ating bansa.

Ito ang eksaktong sabi ni Ang, “At a time when we are negotiating with Hong Kong on the hostage crisis, here we are harassing foreigners.”

Hindi natin alam kung ano ang gustong maging epal este papel ni Bernie Ang sa administrasyon ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Gusto ba niyang maging foreign affairs secretary at patuloy niyang pinakikialaman at pinanghihimasukan ang isang patay nang isyu pero pilit niyang binubuhay?!

Ngayon maging ang trabaho ng  Bureau of Immigration ay pinakikialaman niya.

Bakit kapag may hinuhuling Pinoy sa ibang bansa lalo na sa Hong Kong at sa China, hindi ganyan katindi ang reaksiyon niya?!

Ano bang meron sa mga pinaghihinalaang illegal Chinese traders at pilit na ipinagtatanggol ni Konsehal Bernie Ang?!

Konsehal Bernie Ang, baka nalilimutan mong ang nagpapasweldo sa iyo ay mga taxpayer ng Maynila.

Kaya hinuhuli ‘yang illegal Chinese traders dahil nagnenegosyo sila nang hindi nagbabayad ng buwis. Ibig sabihin, pinagkikitaan nila ang mga Pinoy pero hindi sila nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.

Mahirap bang intindihin ‘yan Konsehal Bernie Ang?

Pinoy ang nagpapasweldo sa iyo hindi Illegal Chinese traders …

O baka naman nakikinabang ka sa kanila?!

Paki-EXPLAIN!

PASAY CITY MAYOR ANTONINO CALIXTO REPEATS HIS HISTORY

HETO na naman …

Inasunto na naman si Pasay City Mayor Antonino Calixto, ang buong Sanguniang Panglungsod kasama ang private realtor and developer na SM Land Inc.

Ang asunto ay may kaugnayan sa 300-hectare reclamation project sa baybayin ng Pasay City.

Lumalabas kasi na hindi dumaan sa tamang proseso ang pinasok na Joint Venture Agreement (JVA) ng Pasay City at ng SMLI.

Mantakin naman ninyong reclamation project ‘e pinangunahan pang magdesisyon ang National Economic Development Authority (NEDA) at Public Estates Authority (PEA)?!

Ignoramus ba sa batas si Mayor Calixto at ang Sanggunian?

Sakali mang hindi nila alam ‘yan, ‘yung City Legal officer dapat nagbigay ng tamang opinyon para sa nararapat at naaayon na pagdedesisyon ng Konseho.

Ang siste, kinampihan ni Atty. Severo Medrano ang kabuktutan ng katwiran ni Calixto at ng Konseho.

Buti na lamang at nagising ang mga nabukulan este ang mga may wisyong konsehal kaya binawi nila ang unang resolusyon na pinagtibay tungkol sa reclamation project.

Tsk tsk tsk …

Kapag PERA talaga ang pinag-usapan laging nauulit ang kasaysayan.

Naalala n’yo pa ba noong maasunto rin ang buong Pasay City officials dahil sa basura?!

Hindi ba’t nasuspendi rin si dating Pasay City Mayor Peewee Trinidad at ang Konseho na noon ay pinamumunuan ni Calixto?!

Hindi pa ba humuhulas sa memorya ninyo nang bombahin ng bombero sina Mayor Peewee nang mag-rally sila?!

Aba ‘e nakaligtas nga noon si Calixto dahil wala raw siya noon?

E paano ngayon ‘yan kapag nasuspendi na naman kayo Mayor To-Calix dahil sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019)?

Magra-rally na naman ba kayo at magpapabomba sa BOMBERO?!

Ang concern ko lang, baka hindi kayanin ni Yorme Calixto ang stress sa kasong ito at atakehin sya sa puso.

Hindi ba’t bago nag-election noong 2010 ay na-mild stroke siya at na-angioplasty?

Talagang history repeat itself, ‘di ba Yorme?!

ANOMALYA SA BI DETENTION CELL, KUMALAT SA SOCIAL MEDIA

KALAT na kalat ngayon sa social media ang isang impormasyon na nagsasabing may namumuong hidwaan sa hanay ng Bureau of Immigration – Bicutan detention cell guards. ‘Yan daw ay dahil sa paglalabas ng sama ng loob nila sa pagkalat ng ilegal na droga sa loob mismo ng BI detention cell.

Isinisisi umano ang pangyayaring ito sa pagsulpot ng isang bagong ‘technical supervisor’ na dating Mistah ni BI Comm. Fred Mison. Dalawang beses daw nag-conduct ng spot inspection ang nasabing technical supervisor. Ito ay noong February 8 at sinundan nitong February 26 bandang 7:30 pm. Sa parehong petsa ay may mga nakompiskang ilang gramo ng shabu kasama na ang cellphones at electronic gadgets pero imbes ireport at i-turn over sa PDEA ang kompiskadong droga, ay muli raw ibinenta (recycle!?) sa mga detainee at ang mga cellphones, iPads at iba pang electronic gadgets ay ipinatubos sa mga dating may-ari nito?!

Sonabagan!!!

Hindi na maganda ‘yan ha!!!

Kung ito man ay totoong nangyayari sa loob ng BI Bicutan ay talagang may katwiran nga na magreklamo ang mga beteranong guwardya sa BI- Bicutan Detention cell. But since bago lang sa posisyon si Mr. Technical Supervisor, I’m still giving him the benefit of the doubt. Pwede rin kasing sabihin na maraming nasagasaan ang mama sa kanyang mga bagong panuntunan at pamamahala sa BI Bicutan kaya gano’n na lang ang ginagawang panggigiba sa kanya ngayon.

Matatandaang noon pa man ay ilang beses na rin napabalitang talamak na ang ilegal na droga at iba pang mga kalokohan d’yan sa BI Bicutan detention. Hindi ba’t ilang beses na rin nasibak ang mga naging Jail warden d’yan?

Siguro naman hindi papayag si Comm. Mison na d’yan pa siya makanal na ipinagkatiwala niya sa sariling Mistah n’ya ang pamamalakad ng BI Bicutan detention cell.

Ano kaya sa palagay n’yo?

Comm. Fred Mison, maybe it’s about time na balasahin ang buong BI Bicutan detention. Since this is now under the supervision of BI Exec. Director Eric Dimagulangan ‘este’ Dimaculangan, mukhang hindi naman n’ya ito gaanong napagtutuunan ng pansin kaya nagiging paloko-loko ang pagpapatakbo nito!?

Suggestion lang po, bakit hindi ibigay kay IRD Head Mr. Danny Almeda ang pamamahala nito?

‘Yun lang po!!!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *