TARAK ng balisong sa ulo ang natanggap ng isang babae nang hindi pansinin ang panliligaw ng isang lesbian sa Malabon City, kamaklawa ng gabi.
Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Mylene dela Cruz, 19-anyos, ng Block 10-D, Lot 20, Phase 1, E-1, Pla-Pla St., Brgy. Lo-ngos ng lungsod, sanhi ng saksak sa ulo ng balisong, na nakabaon pa nang dalhin sa nasabing pagamutan.
Sa ulat ni PO3 Jun Belbes, may hawak ng kaso, dakong 8:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Block 10, Lot 3, ng nasabing barangay, nang magkasalubong ang biktima at ang suspek na kinilalang alyas Danica.
Kinausap ni Danica si Dela Cruz tungkol sa iniluluhog niyang pag-ibig pero tumanggi ang babae na ikinagalit ng lesbian.
Dito nagtalo ang dalawa na nauwi sa sabunutan hanggang bumunot ng balisong ang suspek na si Danica saka agad na sinaksak sa ulo si Dela Cruz.
(rommel sales)