Tuesday , December 24 2024

Maraming salamat Philippine Movie Press Club (PMPC)

00 Bulabugin JSY

NAGPAPASALAMAT po tayo sa pagkilalang iginawad sa atin ng Philippine Movie Press Club (PMPC) bilang DARLING OF THE PRESS nitong nakaraang gabi sa Solaire Grand Ballroom sa Parañaque City.

Hindi po natin inaasahan na tayo’y maging nominado at lalo na nang tayo’y manalo.

Hindi naman po tayo showbiz personality pero marami po tayong kaibigan at kakilala sa industriyang naghahatid ng saya, kaalaman at sabihin nating nakatutulong sa pagtaas ng kalidad ng pag-unawa ng madla sa ating arte at literatura.

Alam nating iba’t iba ang antas ng pagkilala at pagrespeto ng ating mga kababayan at ng mismong mga personahe sa entertainment industry.

Pero tayo’y hindi nang-uuri ng tao, naniniwala tayo sa kasabihang bawat tao ay laging may puwang para sa isang makabuluhang pagbabago para sa kanyang pag-unlad.

At ‘yan po ang pangunahing panuntunan natin sa pakikitungo at pakikipagkaibigan natin sa lahat.

Naniniwala po ako na dahil sa panuntunan nating ‘yan na natutunan natin sa mga matatanda ay nakapagtanim tayo nang maganda hindi lamang sa entertainment industry kundi maging sa iba pang grupo.

Ito raw po ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaroon ng Darling of the Press na hindi mula sa hanay ng entertainment industry kaya naman lubos tayong nagpapasalamat sa mga naniwala na tayo ay karapat-dapat sa pagkilalang ito.

Mabuhay ang lahat ng mga kumikilos para sa ikauunlad at ikaaangat ng entertainment industry sa bansa.

Muli, mabuhay ang pamunuan at lahat ng miyembro ng PMPC!

MONEY LAUNDERING AT DRUG TRADING NG MGA ILEGALISTA SA CASINO BUBUSISIIN NA NI SEN. NANCY BINAY

SA WAKAS ay mayroon na rin nakarinig sa matagal na nating pinupuna at binabatikos na ‘MONEY LAUNDERING’ at ‘DRUG TRAFFICKING’ ng mga dayuhan at lokal na ilegalista sa iba’t ibang casino sa bansa.

Ang impormasyong nakatawag pansin umano kay Sen. Nancy Binay ay ang ‘paglalabada’ ng drug money sa mga Casino.

Naalarma raw si Sen. Binay sa mga ulat na maraming miyembro ng drug syndicate na ginagamit ang mga casino (VIP rooms) para sa kanilang drug deals.

Literal na naniniwala si Sen. Binay na ang mga droga ay ipinagpapalit sa ‘CHIPS’ saka ipinagpapalit sa cash para hindi raw ma-trace  ‘yung mga nagdadala ng droga sa casino.

Medyo mahirap po itong patunayan Madam Senator. Lalo na’t ang casino ay hindi kasama sa mga establisyementong nasa ilalim ng Republic Act 10365 (An Act Further Strengthening the Anti-Money laundering Law).

Mas madali sigurong makita at ma-trace ang money laundering kung ang bubusisiin ninyo ay kung sino-sino ang mga casino financier d’yan na may VIP gaming room.

Unahin n’yo na po ‘yung JOSEPH ANG na may pekeng kompanyang Ringson Int’l, Kgg. na Senadora Nancy Binay.

Siya ‘yung hinabol ng saksak ng isa pang Chinese national na si Jerry Sy na nahulihan ng mga baril at droga sa kanyang sasakyan.

Konting ‘TIP’ lang po ‘yan.

Una  ninyong imbestigahan at ipakuha ang listahan ng mga Chinese at Korean national na nakakuha ng VIP rooms sa kanilang junket at rolling scheme d’yan sa Resorts World Casino at Solaire Casino.

Hindi lang po DROGA ang namamayagpag d’yan… Pati prostitusyon po!

Sa mga VIP room na ‘yan dinadala ng bugaw para i-show up ang mga babae para ibenta sa mga dayuhang manunugal.

At lahat ay nagaganap sa mga VIP room.

Tip of the iceberg lang ‘yan Senadora, marami pa kayong matutuklasan kapag binusisi ninyo nang husto ang lahat ng ‘yan.

ACTION AGAD NG MIAA

MARAMING thank you po sa management ng Manila International Airport Authority (MIAA) management sa mabilis na pagtugon sa constructive criticism ng inyong lingkod hinggil sa isyung matagal na panahong walang bandilang wumawagayway sa center flag pole ng NAIA Terminal 1.

Mukhang na-deliver na ng staff ng ating bayaning si Melchora Agoncillo ang Philippine flag kung kaya’t makikita na itong masayang nakikipaglaro sa hangin.

Salamat po MIAA GM Angel Honrado at NAIA T-1 manager Dante Basanta.

Mabuhay kayo!

ANG KOLEKTONG NI ALIAS TATA RIGOR-ILYA SA MAYNILA
(ATTN: MPD DD Gen. Rolando Asuncion)

Nag-iiyakan ngayon ang club owners, gambling at drug lord sa lungsod ng Maynila dahil sa pangongolektong ng isang pulis City Hall daw na si alyas TATA RIGOR-ILYA para sa isang dissolve unit/non-existing division na MCAT.

Inirereklamo na ng ilang samahan ng Club owners ang mataas na TARA y TANGGA na pilit kinokolektong ng mga galamay ni alyas POT-TRES RIGOR-ILYA.

Sabi nga ng isang pulis bagman ng MASA, patay na! Butas na ‘yang MCAT pero tuloy pa rin na ipinangongolekTONG bilang protection money sa mga ilegalista sa Maynila.

Kapantay pa raw ng kolektong ng city hall ang patay na butas ng MCAT sa ikinukuha ni alyas TATA RIGOR-ILYA. Dehins pwedeng mag-PASS at hindi mag-hatag dahil may kasunod na indulto sa ‘yong negosyo.

By the way, ipinagyayabang pa ng lokong Tata-rantado Rigor-ilya na may BASBAS pa raw ng dalawang BIG BOSS ng Manila city hall ang kanyang KOLEKTONG activities dahil meron siyang ‘parating’ sa mga bata-batuta nila.

MPD district director C/Supt. Rolando Asuncion, ano nga ‘yung sabi n’yo na wawalisin n’yo ang mga iskalawag na pulis sa Maynila!?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *