Monday , December 23 2024

Maliliit na magnanakaw ipinaparada sa publiko, korap iniidolo!

ONLI in da Pilipins!

Kamakailan, naging laman ng mga pahayagan ang ginawa ni Tanauan City, Batangas Mayor Thony Halili sa isang taong nagnakaw ng tuyo sa palengke.

Pinosasan niya ang tao. Nilagyan ng plakard na may nakasulat na “Akoy Magnanakaw!” sa harapan at likuran. Tapos ipinarada sa publiko ang aniya’y magnanakaw…

Magkano lang ba ang halaga ng ninakaw para parusahan at hiyain ng sobra-sobra ang isang magnanakaw ng tuyo?

Kumpara sa mga kickback sa proyekto nilang mga politiko?

Masasabi ba ni Mayor Halili sa harap ng altar ng Panginoon na siya’y malinis na politiko? Na hindi kumukuha ng anumang komisyon o kickback sa mga proyekto sa kanyang lungsod? Na walang natatanggap na “timbre” ang kanyang tanggapan mula sa mga nagkalat na iligal sa kanyang nasasakupan? C’mon!!!

Pumunta pa tayo sa mataas… itong mga senador na daang milyones ang kickback mula sa kanilang pork barrel na pinadaloy sa mga pekeng NGOs o foundations ni Janet Lim-Napoles, bakit hindi sila posasan, lagyan ng karatula sa likod at harap ng may nakasulat na “Akoy Mandarambong” at iparada sa plaza o palengke?

O sige, itong si Napoles nalang. Bakit sa halip na sa  kulungan ng mga kriminal siya ilagay ay nasa exclusive na piitan pa siya inilagak? May regular checkup pa! Ginagastusan ng daang libong piso sa pagpa-X-ray lang!!!

E, ang nangyayari… kung sino pa ang nagnakaw ng barya-barya ay siyang ipinahihiya ng todo todo sa publiko, pero silang mga daang milyon o bilyon ang ninakaw sa kaban ng bayan ay iniidolo, inaaruga at sinasamba pa. Pesteng yawa!

Away ng principal at supervisor

sa Balangisa, Eastern Samar

– Mr. Venancio, report ko po dito sa amin sa Balangisa, Eastern Samar, ang mga titser po dito ang naiipit dahil sa away ng principal at supervisor namin. Yung supervisor po namin na si …. di ma-transfer kasi asawa sya ng supirentendent dito sa E. Samar, kahit over staying na siya dito sa district namin. 8 years na po sya dito. May petition na po sa pagpapaalis sa kanya kasi masama ugali niya, pero ayaw po niyang umalis. Nagpa-sign po ng retention paper sa mga teacher. Yun pong ayaw mag-sign ay masama ang kanyang loob at pinag-iinitan po niya. Nagpa-sign sa mga tao sa mga barangay, ang sabi ay magbibigay ng relief kaya yung iba po ay nag-sign. Paki-parating po ang problerma namin kay Sec. Armin Luistro. Pumunta na rin dito ang regional director pero wala namang ginawang aksyon. Sana po sa pamamagitan ninyo ay makarating ang bagay na ito sa tanggapan ni Sec. Luistro. Salamat. Huwag nyo nalang ilabas ang numero ko. – Concerned teacher

Paging DepEd Sec. Armin Luistro, paki-check lang po ng problemang ito ng mga titser sa Balangisa, Eastern Samar.

Talamak na ang droga at sugal

sa Kabankalan, Negros Occ.

– Mr. Venancio, paki-katok naman po ng mayor namin dito sa amin, Kabankalan, Negros Occidental. Grabe na po kasi ang bentahan dito ng shabu, pati na mga iligal na pasugalan. Walang ginagawa ang mayor namin dito. Baka kako sya ang may-ari? Ang mayor namin si Zayco. Wag ilagay ang numero ko – Concerned citizen

O, Mayor Zayco, galaw-galaw pag may time. Talamak na raw ang droga sa bayan mo. Paki-atasan ang mga pulis mo dyan na mag-anti-drug operations naman sila. Aksyon, Mr. Mayor!

Hinaing ng vendors sa New Dagonoy Public Market (Maynila)

– Mr. Venancio, isa po akong masugid na taga-basa ng inyong kolum sa Police Files TONITE. Nais ko lang iparatong sa inyo ang problema namin mga ligal na manininda na nagbabayad ng buwis sa lungsod ng Maynila dito sa New Dagonoy Public Market na sana po ay maiparating  ninyo sa Market Administrator, Mr. Rogie dela Paz, ng Manila City Hall tungkol po sa mga naglipana na mga iligal na vendor dito mismo sa harap ng Dagonoy Market o parking area. Paano po kami makakabinta sa loob ng palengke kung sumobra po ang dami ng illegal vendors sa harap ng palengke, bandang Crisolita at Onyx, na halos po mas malalaki ang kanilang mga paninda kaysa amin. At kami  po na mga ligal na manininda ay hindi maprotekrahan ng batas ng palengke MMC Ordinance 02.05. Dahil sinisingil sila ng alyas Aday na tauhan ng Market Master at sinisingil din sila ng isang alyas  Samson na tauhan ng Block 1 Commander. Wag nyo lang po ilagay ang  numero ko para sa aking seguridad dahil mga moros po ang karamihan sa illegal vendors sa harap ng Dagonoy Public Market. Sana makarating ito sa Manila City Hall Market Dept. at maaksiyunan. Salamat. – Concerned vendor

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *