Tuesday , December 24 2024

SC, Justice Leonen takot ba kay Erap?

GANOON na lang ang panggagalaiti ni deposed president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada nang pintasan ang track record ni Sen. Allan Peter Cayetano nang ihayag ang presidential bid sa 2016.

Sabi pa ng senstensiyadong mandarambong, wala pa raw napapatunayan si Cayetano at wala pa itong nagagawa para sa mahihirap. Tsk, tsk, tsk!

Hindi natin kinikilingan si Cayetano pero kinilabutan tayo sa opinyon ni Erap na ang libangan sa loob ng mahigit apat na dekada sa politika ay labagin ang batas at pagsamantalahan ang mahihirap, gaya nang ginagawa niya sa Maynila ngayon .

Pero ang tunay na ikinagalit ni Erap kay Cayetano ay ang panukala nito na magbuo ng mga special court para mapabilis ang paglilitis sa plunder at iba pang kasong may kaugnayan sa pork barrel case na kinasasangkutan ng mga mambabatas.

Takot na takot si Erap na malasap ng kanyang minamahal na anak na si Sen. Jinggoy Estrada ang bilangguan bilang pangunahing akusado sa P10-B pork barrel scam.

At ang tanging paraan na nakikita ni Erap para isalba ang anak sa kulungan ay ang suportahan ang kandidatura ni Vice President Jejomar Binay sa 2016 o muling labagin ang batas at tumakbo rin bilang presidential bet.

Kaya nga makatuwiran ang mga panawagan sa Korte Suprema na ilabas na ang desisyon sa disqualification case laban kay Erap, dahil ito lang ang magtutuldok sa paghihirap ng mga Manilenyo at bubura sa pangarap ni Estrada na gahasain muli ang bansa.

Baka maniwala na ang taong-bayan na takot kay Erap ang Kataas-taasang Hukuman sa banta ng sentensiyadong mandarambong na “There will be a devastating public uproar” kapag hindi pumabor sa kanila ang pasya ng Korte Suprema, ayon na rin mismo sa tahol ng aso nitong si Ike Gutierrez.

PINSAN NI PNOY, CONGRESSMAN NAG-UMBAGAN SA NAIA

NAGMISTULANG sabungan ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nang hindi nakapagpigil sa kanilang panggigigil sa isa’t isa sina dating Negros Occidental 4th District Rep. Carlos Cojuangco at ang incumbent congressman ng distrito na si Rep. Jeffrey Ferrer na nag-upakan mismo sa Terminal 2 noong Huwebes ng umaga.

Sabi sa ulat, matapos daw magbatian at magkamay ang dalawa ay kinumusta ni Cojuangco si Ferrer na sumagot ng “okay lang”, na hindi nagustuhan ng anak ni Danding Cojuangco.

“Okay lang, ha?! Ang yabang mo”, sigaw ni Cojuangco kay Ferrer sabay hampas ng kanyang boarding pass sa noo ng incumbent congressman na sinuntok naman siya sa balikat.

Pareho silang patungong Bacolod sakay ng PAL Express flight PR 903 at halos magkatabi pa sa eroplano kaya nag-deadmahan na lang sila.

Nag-ugat pala ang hidwaan nila nang kumalas si Ferrer sa Nationalis People’s Colaition (NPC) ng mga Cojuangco noong 2013 elections at sinuportahan ang kandidatura ni Negros Occidental Gov. Alfredo Maranon habang si Danding ay kumampi naman sa kalaban nitong talunan na si Genaro Alvarez.

Totoo ang kasabihan na, “In Politics there are no permanent friends or foes, only permanent interests.”

900 MISSING HIGH-POWERED FIREARMS, MAHAHANAP PA KAYA NG PNP?

PINANINIWALAANG napunta sa security agencies, mining companies at mga pribadong grupo o private armies ang nawawalang 900 high-powered firearms (AK-47 at M-16 Armalite rifles), ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Malapit nang matapos ang imbestigasyon ng CIDG sa usapin, at kabilang sa mga sinisiyasat ay sina Chief Superintendent Raul Petrasanta, Police Regional Office-3 director, na dating director ng Firearms and Explosive Office, Director Gil Meneses ng PNP Civil Security Group, Chief Superintendent Tom Rentoy ng Supervisory Office for Security and Investigation Agencies, Senior Superintendent Regie Catiis ng Directorate for Comptrollership at Senior Superintendent Eduardo Acierto Jr.

Nabuking ang pagkawala ng 900 high-powered firearms nang ilunsad ng PNP ang “Oplan Katok,” isang kampanya sa paghahanap ng mga lisensiyadong armas dahil fictitious ang pangalan at address ng mga nag-apply ng lisensiya nito.

Sakali bang ang 900 missing high-powered firearms ay napadpad sa kamay ng mga security agencies ng mga heneral na pulis o militar, o kaya’y sa mining company ng negosyanteng si Manuel V. Pangilinan, o sa private army ng mga political dynasty at sa mga sindikatong kriminal na  protektado ng mga politiko at unipormado, kaya ba silang panagutin ng PNP lalo na’t maiimpluwensiya ang mga ito sa kasalukuyang administrasyon?

Paano tayo maniniwala na may mananagot sa isyung iyan kung ‘yung naglahong 2,000 container vans sa Bureau of Customs (BOC) noong 2011 ay hindi na natagpuan?

May alaga bang madyikero na ala-”David Copperfield” ang matataas na opisyal ng gobyerno kaya sa isang iglap ay nawawala ang mga bagay na kanilang pinagkakakitaan.

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *