Tuesday , December 24 2024

Pagpurga sa hanay ng mga importer, customs broker

Inumpisahan na ng bagong pamunuan ng Customs ang pagpurga sa hanay ng mga   customs broker at importer sa kabila na marami sa kanila ay mandaraya ng kargamento at the expenses of the Bureau at diumano’y may mga smuggler din.

Aaabot sa l0,000 ang mga importer at  broker na accredited ng Bureau of Customs at marami din sa kanila an aktibo sa pagangkat.

Sila ay nasa exclusive na supervision  ng Customs hanggang sa dumating si bagong Commissioner John Philipi Sevilla at  binago ang system ng accreditation na tila daw puno ng ano-malya. Mabuti nga at nabawasan ang hanay  nila  sa pamamagitan ng dating hepe ng Accreditation Office na si Atty. Rhea Gregorio. Pero dahil sa kulang sa manpower at ibang facilitities marami pa ding nakalusot. Ngayon nga ay pinupurga na ni Commissioner Sevilla.

Sa unang salvo ni Komisyoner, 70 na importer  at 45 na mga customs broker ang sinuspindi. Habang sila naka-suspindi, hindi  puwedeng umangkat ang mga nasabing accredited importer. Gayon din, bawal na magpasa ng Import Entry ang 45 na broker on behalf of their client importers.

Marahil may natagpuang mga anomalya sa mga dokumento ng mga nasabing erring importer at customs broker. Ano ang malay natin, baka marami sa mga ito ay involbe sa technival smuggaling na siyang karaniwang Gawain ng mga player sa Bureau. Syempre may kasabwat silang mga taga assessment(examiner/appraiser) kaya nakalulusot sila.Pero unti-unting hinihigpitan ang  accreditation process (every year yata ang renewal ng accreditation), kaya may mga nabubuko na.

Call ngayon ito ng bagong acting hepe ng Accreditation n0ffice na Atty. Jenina Flores na balita naming namimiligrong mapaligiran ng mga sindikato na dating involve rin sa palusot ng  fake na accreditation.Tulad ng peke na address ng opisina, pekeng mga opisyales, etc. Lubhang maraming modus ang mga sindikato na involve sa anomalya sa importation. Labis-labis ang l0,000 plus na mga accredited broker/importer.Kailangan mag intensify ang pag-purge .

Gaya na ng inulat natin, ang accreditation ngayon ang pinakikialaman na ng BIR para malaman kung iyong opisyales ng mga trading corporation applicant ay may mga kakayahang umangkat at magbayad ng buwis.

Hindi naman kaila sa ating na maraming napaghuhuli na smuggler ng mga kotseng mamahalin, bigas, bakal at iba pang agri-products at ito hindi masugpo-sugpo.

Ang pagbusisi ng BIR sa mga accredited customs broker at importer ay nagsimula na nitong March I at tatagal hanggang May 3l, o tatlong buwan upang mabigyan ng pagkakataong masuri ng husto ang mga dokumento ng bagong applicant ng accreditation at iyong kasaluku-yang may accreditation. Marami tiyak ang mahuhuli sa bagong accreditation system na ito from BoC to BIR.

Arnold Atadero

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *