Friday , November 22 2024

Ininsultong bingot bunso pinatay ni kuya

BUTUAN CITY – Patay ang isang lalaki matapos hatawin ng tubo sa ulo ng kanyang nakatatandang kapatid kahapon ng madaling-araw.

Ayon kay Inspector Victor Preciouso ng Butuan City Police Station, nangyari ang insidente dakong 12:45 a.m. kahapon sa Purok 3, Brgy. Salvacion, Butuan City.

Base sa imbestigasyon, nag-inoman ang magkapatid at bunsod ng kalasingan, ininsulto ng biktimang si Romy Panilaga, 30, ang nakakatandang kapatid na si Ramil Panilaga, 39, na may bingot na labi.

Umuwi ang suspek upang makaiwas sa gulo ngunit sinundan siya ng biktima na may dalang kutsilyo.

Aminado ang suspek na si Ramil sa ginawang krimen ngunit giit niya, nagawa lamang niya ito sa takot na masaksak ng kapatid nang makitang may dalang kutsilyo.

Kinompirma rin ni Marissa Panilaga, asawa ng biktima, ang naturang testimonya ng suspek.

Ayon sa ginang, umuwi sa kanilang bahay ang mister at kumain bago humingi ng kutsilyo at nagtungo sa bahay ng kapatid.

Sinaway ng ginang ang biktima at iginiit na matulog na’t huwag nang maghanap ng gulo ngunit hindi nakinig.

Dagdag pa ginang, pinagbantaan siya ng asawa na sasaktan nang sundan niya kaya’t umuwi na lamang siya sa takot na masaksak.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang kaso laban sa kanya.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *