Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P89-M jackpot sa 6/49 Super Lotto nasolo ng taga-Lipa

NAKUHA ng isang mananaya ang mahigit P89 milyong jackpot prize sa 6/49 Super Lotto, habang wala pang nakakuha sa kombinasyon ng 6/55 Grand Lotto na magkasunod binola kamakalawa ng gabi, sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa PICC, Pasay City.

Sinabi ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II, taga-Lipa City, Batangas na tumaya ng lucky pick ang kukubra sa P89,065,812.00 premyo ng 6/49 Super Lotto matapos makuha ang kombinasyong 30-44-45-07-39-48.

Inaasahang lolobo sa mahigit P77 milyon ang jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto matapos wala isa mang nakasungkit sa kombinasyong 54-17-28-55-23-05 na may premyong P72,648,656.00.

Samantala, tinanggap na ng 33-anyos waiter ang P13,919,766 premyo na kanyang napanalunan sa Lotto 6/42.

Tinamaan ng waiter winning digits na 04-08-11-12-20-21.

Nabatid na dalawa silang nanalo na naghati sa P27,893,532 jackpot, at ang isa ay mula sa Lucena City.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …