Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P1.5-M cash, alahas tinangay ng sekyu, kasambahay

NAHAHARAP sa kasong qualified theft ang kasambahay at security guard makaraang magsabwatan sa pagtangay ng pera at alahas ng kanilang amo kamakalawa ng gabi sa Antipolo.

Kinilala ni Senior Inspector Perlito Tuayon, PCP-1 commander, ang nadakip na mga suspek na sina Huevi Ginang y Vintulero, 25, kasambahay, at Danilo Arcamao, 37, security guard ng Francisville, Subd., Brgy. Mambugan sa lungsod.

Pormal silang kinasuhan ng kanilang amo na si Anne Michele Torio, nasa hustong gulang, at nakatira sa nabanggit na lugar.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Robert Gangan, dakong 7 p.m. habang wala sa bahay si Torio, inilabas ng mga suspek ang safety vault na naglalaman ng pera at iba’t ibang uri ng mga alahas na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.

Sa follow-up operation ng pulisya, agad nadakip ang mga suspek at nabawi ang kanilang mga nakulimbat.

(ED MORENO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …