Tuesday , December 24 2024

Tax paid pero ‘temporary’ lang ang Mayor’s Permit sa Maynila

00 Bulabugin JSY
HINDI na naman natin makita ang LOHIKA kung bakit pinagbabayad ng Mayor’s Permit ang mga negosyante sa Maynila.

Pero pagkatapos nilang magbayad ng almost 300 percent increase ‘e saka nila malalaman na temporary business permit lang ang ibibigay sa kanila.

To follow na lang daw …

Ang rason: hindi pa raw nila natatapos ayusin ang ‘computer system’ nila.

Ano ba ‘yan, dalawang buwan na lang isang taon na kayo sa city hall  pero hanggang ngayon ‘e hindi pa ninyo alam kung ano ang mga dapat unahin sa mga trabaho ninyo?

Inihuli pa ninyo ‘yang mga negosyante!

‘E pwede bang tanggapain sa ibang ahensiya ng gobyerno ‘yang temporary business permit ninyo?

Tsk tsk tsk …

Kahit daw kasi walang alam iniuupong hepe ng  departamento? Pati tuloy ang episyenteng taxpayers ‘e sumasakit ang ulo …

Ano ba ‘yan mga bata mo, Erap!?

PERYAHAN-SUGALAN NAMAMAYAGPAG  SA LALAWIGAN NG CAVITE

WALA pa rin palang kupas ang operasyon ng perya-sugalan d’yan sa lalawigan ng Cavite.

Katunayan, namamayagpag pa rin ang PERYAHAN SUGAL-LUPA ni EMILY d’yan sa Molino Boulevard.

Ganoon din si JUN/JESSICA sa Paliparan sa Dasmariñas, si BAGTAS naman sa Tanza at si JASON top choice sa GMA.

Wala raw kaproble-problema ang mga sugal-lupa operator na ‘yan dahil mukhang hindi sila pinakikilaman ng mga awtoridad.

Cavite OIC – Provincial Director S/Supt. John C. Bulalacao, Sir, mukhang wala kang ‘asim’ sa mga PERYA-GALAN dahil mukhang wala silang takot sa inyo?

O baka naman nagkaintindihan na kayo kaya patuloy ang kanilang pamamayagpag sa area of responsibility (AOR) mo Kernel?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *