Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SUV reward ni Duterte vs drug syndicates

KASUNOD ng pinaigting na anti-drug raid sa Davao City, nangako si Mayor Rodrigo Duterte na magbibigay siya ng sports utility vehicle bilang pabuya sa mga impormante.

Sinabi ni Duterte, handa siyang magbigay ng SUV bilang pabuya sa mga tao na makapagbibigay ng impormasyon para sa ikabubuwag ng drug rings sa lungsod.

Nauna rito, inihayag ni Duterte na lalo pa ni-yang paiigtingin ang kam-panya laban sa droga. Ito ay makaraang ipahayag ng mga awtoridad na ang shabu na nakompiska nitong Sabado ay mula sa ibang bansa.

Sinabi ni City police chief S/Supt. Vicente Danao, Jr., sa kanilang initial analysis, ang na-kompiskang shabu sa kanilang pagsalakay ay maaaring hindi gawa rito sa Filipinas.

Ayon sa pulisya, biniberipika na nila ang impormasyon na ang shabu ay maaaring inihalo sa bigas na ipinasok sa lungsod kamakailan.

Nitong nakaraang linggo, pitong hinihinalang mga drug pusher ang napatay at mahigit 30 ang naaresto  sa  anti-drug operation sa Davao City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …