Monday , December 23 2024

Sen. Koko Pimentel fiscalizer o papansin (Re: Decriminalization ng Libel sa Senado)

00 Bulabugin JSY

KONTRA sa decriminalization ng LIBEL si Senator Aquilino “Koko” Pimentel III, kasalukuyang chairperson ng Senate Committee on Justice.

Aniya, ito raw ang tanging remedyo para sa mga inidibidwal na sa pakiramdam nila ay nabiktima sila ng masasamang salita na naging dahilan para maapektohan ang kanilang dignidad at reputasyon.

Kakaiba ang posisyong ito ni Sen. Koko sa kanyang mga kasamahan na gumagawa ng paraan para i-decriminalize ang libel kaya imbes kulong ‘e ‘multa’ na lang ang parusa.

Muling umingay ang isyu ng decriminalization kontra libel nang katigan ng Supreme Court ang mga probisyon pabor sa online libel sa ilalim ng Cybercrime Law.

Kabilang sa mga Senador na nananawagan na i-decriminalize ang libel ay sina Senators Mirian Defensor-Santiago, Ferdinand Marcos, Alan Peter Cayetano, Francis Escudero, Edgardo Angara at Teofisto Guningona III.

Kaya naman hanggang ngayon ay hindi ako nanghihinayang na wala sa talaan ng aking ibinoto si Sen. Pan de koko ‘este’ Sen. Koko sa pagka-Senador … wala po itong personalan.

Nanghihinayang lang ako na hindi naging katulad ng kanyang erpat na si dating Senator Nene Pimentel si Senator Koko.

Naaalala ko noon kung paano nanindigan si Sen. Nene laban sa Martial Law at dikatadura.At pakikipaglaban aa malayang pamamahayag.

Malayong-malayo si Sen. Koko.

LAPU-LAPU HEALTH SPA CUM ‘POKPOKAN’ SA PASAY CITY DEADMA LANG ANG AWTORIDAD

PABORITO pala itong galaan at lamyerdahan ngayon d’yan sa Pasay City ng mga ‘maiinit’ ang katawan.

Ang tawag nila rito ay health SPA pero ang dinarayo d’yan ay ‘yung ‘espesayal na serbisyong’ pokpokan.

Saan ka naman nakakita ng health SPA na ang mga masahista ay menor de edad at nasa loob ng aquarium?!

D’yan lang ‘yan sa kanto ng Leveriza St., kanto ng Buendia Avenue.

Hindi natin alam kung kanino kumukuha ng lakas ng loob at naghihiram ng kapal ng mukha ang manager ng nasabing health SPA kuno cum ‘pokpokan’ na si  alyas Beth.

Talagang pagpasok na pagpasaok ng parokyano sa nasabing health SPA cum pokpokan ‘e nakabalandra na ang mga menor de edad na mga babae.

Kapag nakapili na ang parokyano, deretso na sa 2nd floor ng health SPA cum ‘pokpokan.’

Naroon daw kasi sa 2nd floor ang katayan na may kandado at shower room.

Ang ipinagtataka natin kahit nakabuyangyang na ito at bantog na bantog na sa nasabing area, e parang libreng-libre lang sa kanilang operasyon at tila walang nakikita ang Pasay City police.

Pasay City police chief, Supt. Florencio Ortilla, totoo bang may ‘malalim’ na dahilan ang pananahimik ng pulisya sa LAPU-LAPU Health SPA na ‘yan sa kanto ng Leveriza St., at Buendia Avenue?!

‘E how about the PASAY City Hall? Bakit tahimik na tahimik sila?!

Paki-EXPLAIN lang po.

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *