Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 patay P8-M naabo sa Taguig fire

Dalawa ang patay at tinatayang P8-M  ang naabong ari-arian, sa naganap na sunog sa  isang residential area sa Mindanao Avenue, Maharlika Village, Taguig City, Martes ng gabi.

Hindi  umabot ng buhay  sa Taguig-Pateros District  Hospital ang biktimang si Pakirim Kudarat,  61, nang ma-trap sa loob ng kanyang bahay at nakita kahapon ng umaga sa ilalim ng lababo ang bangkay ni Norayda Diamla, 40, kapwa ng Barangay Maharlika Village, ng nasabing siyudad

Sina Camila Tabawa,  lapnos ang balat  nang  madikitan ng nasusunog na tarpaulin; Alan Pomene,  na nabalian  naman at si Suraida Solayman,  napilayan matapos tumalon dahil sa takot at pagkataranta mula sa ikalawang palapag habang  nasusunog ang kanilang bahay at ang tatlo ginagamot sa nabanggit na ospital .

Sa ulat na tinanggap ni Sr. Insp. Vener Sevilla,  ng Taguig City  Fire, dakong 9:25 ng gabi nang mangyari ang sunog sa  Mindanao Avenue, Maharlika Village,  na umabot  ng Task Force Alpha.

Nasa 72 kabahayan ang nilamon ng apoy at mahigit  sa 100 pamilya ang naapektuhan sa sunog na idineklarang fire-out dakong 11:00 ng gabi.

Ayon kay Taguig City Mayor Lanie Cayetano, tutulungan ng lokal na pamahalaaan ang mga pamilyang naapektuhan sa sunog.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …