Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kaso vs ‘termite gang’ ibinasura ng piskalya (Sa Pasay City)

NABALEWALA ang pitong oras na operasyon ng mga operatiba ng Pasay city police matapos ibasura ng piskalya ang mga kasong isinampa ng pulisya laban sa pitong miyembro ng tinaguriang “Termite Gang” na nagtangkang looban ang mga bahay-sanglaan sa pama-magitan ng pagdaan sa imburnal noong nakaraang linggo sa natu-rang siyudad .

Sa tatlong pahinang resolusyon ni Pasay City Assistant City Prosecutor Allan Mangabat, mahina ang naging basehan ng pulisya sa pagsasampa ng mga kasong attempted robbery, malicious mischief at alarm and scandal kaya’t iniutos ang pagpapalaya sa naares-tong mga suspek na sina Mark Campus, Florentino Manuel, Jr., magkapatid na Rodrigo at Rolando Yumul, Armando Leo-nardo Jr., Marlito Segura, at Marlon Zafe,

Ngunit iniutos ni Mangabat ang pagsasagawa ng preliminary investigation laban sa pito sa mga kasong attempted trespassing habang maaari pa rin isagawa ang preliminary investigation sa kasong malicious mischief kung sakali at maghahain ng reklamo ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)

Sa resolusyon, ipinaliwanag ni Mangabat na wala pang patunay na nagtatangkang manloob ang mga suspek kaya’t hindi maaaring isampa ang kasong attempted robbery habang walang basehan ang kasong alarm and scandal dahil nasa loob ng imburnal ang mga kinakasuhan.           (J. GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …