Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pope Francis bibisita sa Yolanda victims

NAGPAHAYAG si Pope Francis ng kanyang intensiyon na bisitahin ang mga lugar na sinalanta ng bagyo sa Leyte, ayon sa Vatican official kahapon.

Ayon sa ulat ng CBCP News, sinabi ni Cardinal Robert Sarah, pangulo ng Pontifical Council Cor Unum, ang nasabing posibleng pagbisita ay upang ipakita ni Pope Francis ang kanyang pakikisimpatya at spiritual closeness sa mga biktima ng super typehoon Yolanda.

Inihayag ito ng church official nitong Martes sa ginanap na misa sa La Libertad Mission Church, sa Palo, Leyte, na matinding sinalanta ng bagyo nitong Nobyembre 8.

Ipinadala ni Pope Francis ang cardinal sa Filipinas upang bisitahin ang mga lugar na sinalanta ng bagyo at para magpaabot ng higit pang tulong sa rehabilitation efforts.

“You go now because I might be going there also,” sinabi ni Cardinal Sarah, ayon sa ipinahayag sa kanya ni Pope Francis, na ikinatuwa ng mga nagsisimba.

Unang Santo Papa sa Rock Mag na Rolling Stone

Si Pope Francis ang unang Santo Papa na itinampok sa cover ng Rolling Stone magazine.

Isang buwan matapos itanghal na Person of the Year ng TIME magazine, bumandera naman ang Papa sa cover ng rock music magazine na may titulong “The times they are a-changin” hango sa awitin ni Bob Dylan.

Laman ng isyu ang 7,700-salitang profile ng Santo Papa mula sa editor na si Mark Binelli, na binigyang-diin na, “In less than a year since his papacy began, Pope Francis has done much to separate himself from past popes and establish himself as a people’s pope.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …