Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Yassi, ang bagong ipinagmamalaki ng Viva Artist Agency

USAP-USAPAN ang posibleng pag-arangkada ng career ng bagong alaga ng Viva, si Yassi Pressman.

Versatile (covering all bases—movies, TV, at music) kasi ang 18 year old star ng pelikulang kasama rin sa 39th Metro Manila Film Festival, ang Kaleidoscope World.

Ginagampanan ni Yassi ang role ng isang rich girl na nain-luv sa isang mahirap na lalaki.

Ang Kaleidoscope World ay ang kauna-unahang Filipino hip-hop dance film. At hindi naman kataka-takang si Yassi ang napili para pagbidahan ang pelikulang ito, after all, binansagan nga siyang Princess of the Dance Floor mula sa weekly musical variety show na mainstay siya.

“I still can’t believe that I’m headlining a movie,” sambit ni Yassi nang makausap namin ito kamakailan. ”And it’s a filmfest entry! It’s nerve-racking. But I’m very happy especially beause in the movie I got to do two things that I love to do, act and dance.”

Si Yassi ay half British na nasa pangangalaga ng Viva Artist Agency. Limang taong gulang pa lamang siya noong nabigyang pagkakataong makasama sa isang teleserye. Simula noon ay nasundan na ito ng maraming serye at nakasama na siya sa Tween Hearts noong 2011-2012 at sa kasalukuyang primetime soap ng GMA7 na Anna Karenina.

Nakalabas na rin siya sa mga pelikulang Tween Academy at Si Agimat, Si Enteng Kabisote, at Si Ako.

At dahil magaling mag-encee, hinuhulaang lalong makikilala si Yassi sa oras na mag-umpisa siyang isa sa apat na MTV VJs ng MTV Pinoy na ilulunsad sa Enero. Makakasama niya ang magagaling ding VJ na sina Donita Rose at G Toengi.

“I’m very thankful for all the breaks I’ve been getting and I’m so excited for what the future holds for me,” giit pa ni Yassi.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …