Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Puhunan ng My Little Bossings, nabawi na! (Sa tuloy-tuloy na pangunguna…)

HAWAK pa rin ng My Little Bossings ang unang puwesto sa pangalawang araw ng Metro Manila Film Festival na nakapagtala ng gross income as of 9:00 p.m. noong Huwebes ng P35,959.66, pangalawa ang Girl Boy Bakla Tomboy, pangatlo pa rin ang Pagpag, at panga-apat ang Kimmy Dora.

Masayang sinabi sa amin ni Kris Aquino na isa sa producer ng MLB na, “break-even na Reg, P92-M (total na kinita), tomorrow (kahapon) PROFIT na!”

Samakatuwid, ang mga susunod na kita ng My Little Bossings simula kahapon hanggang sa magtapos ang MMFF plus extension ay ito na ang kita ng mga producer.

At ang kita sa last full show noong Huwebes ay umabot na sa, “final gross P42,797,200. Manila-P20,617.969 and Provinces-P22,179,231, ang ‘Girl Boy Bakla Tomboy’ ay nakakuha ng P38.8-M.”

Wala namang ibinibigay na figures ang Pagpag at Kimmy Dora sa amin kaya hindi namin alam kung magkano na ang kinikita ng pelikula.

Full pack naman ang last full show (10:35 p.m.) ng Girl Boy Bakla Tomboy sa Greenhills Theater noong Huwebes. Dapat sana sa Gateway Cinema kami manonood, pero sobrang haba na naman ng pila at hindi na namin pinangarap tumayo ng mahigit isang oras tulad sa unang araw ng MMFF.

Kaunti lang ang seating capacity ng Promenade Theaters kaya’t madaling na-sold out ang Kimmy Dora: Ang Kyemeng Prequel, My Little Bossings, GBBT at hindi naman puno ang Pagpag, Shoot to Kill:  Boy Golden, at 10,000 Hrs. Hindi palabas sa Greenhills ang Pedro Calungsod at Kaleidoscope.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …