Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gov. ER at KC, naaksidente sa Boy Golden

SUMUPORTA at nanood ang Megastar na si Sharon Cuneta  at si dating Senator Kiko Pangilinan sa premiere night ng Boy Golden na MMFF entry nina Gov. ER Ejercito at KC Concepcion.

Halos lahat ng mga nakapanood ng pelikula ay pumupuri sa galing ni KC. Marami ang humuhula na posibleng magka-award ito.

“Alam n’yo po, para lang maihilera ng ganoon, pinanonood ko lang si Tita Eugene (Domingo, bida ng ‘Kimmy Dora 3’ na mahigpit niyang makakalaban for Best Actress category).

“I never expected din naman ‘yung ganoon, kasi sanay ako sa Female Star of the Night (na special award)! Ha! Ha! Ha!,” reaksiyon lang ni KC.

Kahit si Mega ay proud sa kanyang anak.

“Siyempre naninibago ako, baby ko iyan, eh. Pero sabi ko deep breathing lang. It’s a beautiful movie. It’s a great movie,” bulalas ni Sharon sa isang panayam na nagulat din siya sa mga fight scene ni KC.

Ikinokonsidera ni KC na pinakamahirap ang project na ito sa lahat ng kanyang ginawa.

“May 38-hour fight scene shooting days kami. Physically, ito ang pinakamahirap na nagawa ko,” sey ni KC.

Nagkaroon din ng minor car accident si KC at si Gov ER noong i-shoot ang Boy Golden dahil vintage cars ang gamit nila. Medyo napalakas ang kapit ng preno ng vintage car at nabugbog ang tuhod niya. Nag-fold ‘yung upuan niya, nag-forward at‘yung isang cameraman ay napalakas din ang pagsubsob.

Walang love scene sina Gov. ER at KC Concepcion sa Boy Golden pero may kissing scene.

Talbog!

10,000 Hours ni Robin, pinuri

SA mga filmfest entry marami ang pumupuri sa 10,000 Hours, maganda at magaling ang performance ni Robin Padilla. Matindi talaga ’yung impact lalo na ‘yung habulan at takbuhan sa Amsterdam,

Kung pagtawa at aliw factor naman ang hahahanapin, swak talaga sa moviegoers ang Kimmy Dora.

Rebelasyon naman si KC Concepcion sa galing niya sa Boy Golden. Pang-alternative naman angKaleidoscope World nina Sef Cadayona at Yassi Pressman na nagsimula ang malalim na relasyon nang simulan ang pelikula at nauwi rin sa hiwalayan bago natapos ang movie.

Sa lahat ng mga MMFF entries kailangan ang milagro ng Pedro Calungsod.

‘Yun  na ‘Yun!

Sam, happy na kasama ang pamilya ngayong Pasko

HINDI umalis ng bansa si Sam Milby dahil may work siya ngayong Kapaskuhan dahil sa kanyang filmfest entry na Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel with Eugene Domingo.

Pero happy naman siya dahil nakasama niya ang parents niya  na nag-celebrate ng Kapaskuhan dito sa ‘Pinas. Kailangan din na ilaan niya ang oras sa mommy at daddy niya. Ang father niya ay mag-80 na next year pero healthy pa rin.

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …