Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

UAAP residency rule balak baguhin

MALAKI ang posibilidad na babaguhin o kaya’y tuluyang tatanggalin ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang bagong residency rule kung saan dapat maghintay ng dalawang taon ang isang high school na manlalaro bago siya puwedeng maglaro sa kanyang bagong pamantasan.

Ayon sa ulat ng www.spin.ph, plano ng ilang mga pangulo ng mga unibersidad na kasama sa UAAP na tanggalin na ang bagong patakarang binatikos ng Senado at pati ng korte.

Kung matutuloy ito, puwede nang maglaro ang dating manlalaro ng FEU juniors na si Jerie Pingoy sa Ateneo at ang dating manlalaro ng Southwestern University na si Ben Mbala sa La Salle sa 2014.

Sinabi naman ng secretary-treasurer ng UAAP board na si Malou Isip ng Adamson na magpupulong ang lupon sa Abril ng susunod na taon upang pag-usapan ang plano ngunit hindi na siya nagbigay ng anumang detalye.

“We will review the organization, pero we would rather talk about it during the annual board meeting sa April,” wika ni Isip.

“Sa ngayon, wala pa ‘yan sa agenda. May mga ganyang issues pero sabi ng board na pag-usapan na lang namin ‘yan, na lahat ng plans namin for next season will be discussed.”

Samantala, may plano rin ang UAAP na ilipat ang pagsisimula ng men’s basketball sa Oktubre mula sa Hunyo dahil sa planong pagbabago ng academic calendar ng ilang mga pamantasan sa Setyembre mula sa Hunyo.

Ilan sa mga pamantasang balak palitan ang pagsisimula ng schoolyear ay ang Ateneo, University of the Philippines at University of Santo Tomas .

Kung matutuloy ang plano, magkakaroon ng malaking pagbabago sa pag-akyat ng mga manlalaro ng UAAP sa PBA draft at pati na rin ang pagsali ng mga batang manlalaro sa mga age group tournaments na hawak ng Samahang Basketbol ng Pilipinas.

At matatapos ang basketball tournament ng UAAP sa Enero pagkatapos ng sandaling pahinga dulot ng Kapaskuhan.

Ni SABRINA PASCUA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …