Tuesday , April 15 2025

Pinay, Miss International 2013

121913 miis intenationalr beaKASAMA ni Miss International 2013 Bea Rose Santiago sina Miss Netherlands (kaliwa) at Miss New Zealand (kanan). (via REUTERS/Yuya Shino)

Kinoronahan ang pambato ng Filipinas na si Bea Rose Santiago bilang Miss International 2013 sa katatapos na pageant sa Tokyo, Japan, Martes ng gabi.

Tinalo ng 21-anyos Pinay beauty ang 71 kandidata sa 53rd Miss International beauty pageant.

Umangat si Santiago sa final round na binigyan sila ng 30-segundong talumpati sa temang:  ”What will I do if I became Miss International” na itinugon niya ang trahedyang sinapit ng Filipinas sa pananalasa ng super typhoon Yolanda.

“The whole world saw my country suffered. One by one, other countries helped. You have opened my heart and eyes on what we can do to help each other,” ani Santiago.

“If I become Miss International, I would uphold international camaraderie. I will work to sustain the spirit of sympathy and spirit of hope. As long as we work together, there is hope.”

Itinanghal na 1st runner-up si Miss Netherlands habang  2nd runner-up si Miss New Zealand.

Si Santiago ang ika-limang Pinay na kinoronahan sa Miss International kasunod nina Precious Lara Quigaman, 2005; Melanie Marquez, 1979; Aurora Pijuan, 1970; at Gemma Teresa Cruz, 1964.

Ito na ang ikatlong sunod na titulo ng Filipinas ngayon taon matapos tanghaling Miss Supranational si Mutya Johanna Datul at Miss World si Megan Young.

About hataw tabloid

Check Also

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Krystall Herbal Oil

Heat stroke, haplos ng Krystall Herbal Oil kailangan para init mailabas sa katawan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *