Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pamilya isinumpa ng Japanese na nagbigti

121313_FRONT

CAMP OLIVAS, Pampanga – Nagbigti sa tabi ng kanilang hagdan ang isang 66-anyos Japanese national makaraang hiwalayan ng asawa at isinama ang kanilang mga anak, sa Phase 3, Blk. 11, Lot 72-73, Highview Hills, Brgy. Sampaloc, bayan ng Apalit.

Matigas nang bangkay nang matagpuan kamakalawa ang biktimang si Yoshio Ueba nang tunguhin ng mga barangay official ang nasabing bahay dahil sa masangsang na amoy.

Ayon kay PO3 Carlo B. Duyao, maaaring ilang araw nang patay ang biktima dahil ayon sa mga kapitbahay ay hindi na lumalabas ang biktima matapos iwanan ng pamilya.

Sa pader ng bahay ay natagpuan ng mga awtoridad ang nadikit na papel na may nakasulat na katagang “Ryan, Marilou, Hell is go to Curse, Ryan, Marilou, Fabian Family, Hell is go to Curse. This Grudge Unforgettable. This House at Live, Man all Curse Kill. Here at House my Grave, at This House at Live man all curse Kill.”

Natagpuan din malapit sa bangkay ng biktima ang ilang bote ng alak at baling samurai.

ni LEONY AREVALO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …