Friday , November 15 2024

Palaisipan pa rin ang biglaang resignasyon ni Biazon

KUNG sabagay it is all over but the packing up for Commissioner Biazon,but to us waterfront media people isa pa rin pa-laisipan ang biglang pagre-resign ni Commissioner Bia-zon.

Mapapansin natin ito sa mismong statement ni Biazon sa mga media interview tapos niyang magbitiw na wala nang bawian (irrevocable) na tila humirit pa siya kahit daw hanggangg katapusan ng December, pero hindi pinagbigyan.

Matindi kaya  talaga ang hangad na siya ay tuluyan nang sumibat sa Kustoms dahil siya umano ang nakapipigil sa minamadling reform program  ng palasyo sa pamamagitan ni Finance Secretary Cesar Purisima. Tila may timetable si Purisima para sa kanilang plano na fully ma-introduce ang dull computerization sa ahensya patungo sa privatization? Ibig sabihn ba nito private companies ang magpapatakbo imbes mga dating pinuno nito?

Unang-una,tinanggal ang mga deputy commissioner, dinala sa “navy”(floating status) ang  mga director at port/district collector ay sumu-nod din. Last week, mga Collector IV at mga lawyers na aabot sa 20 ang isinama sa”Navy”

Ang masakit nito para kay Biazon hindi nalalaman ang mga pagbabagong ito ng mga mukha sa bureau na pinaghapapalitan ng galing sa training sa D0F. Hindi pa nga nag-iinit ang hirit ni Biazon na bigyan pa siya ng hanggang katapusan ng buwan na mapagsilbihan ang ahensya, biglang sumulpot ang kanyang kapalit na tila hindi rin alam. Noong ipahayag ang kapalit ni Biazon,kasalukyan pang nagsasagawa ng viewing ng recycled (?) na huli sa MICP.

Kasi ang ating information, binigyan nya  si Biazon nang sobra-sobrang  panahon (two years and 2 months) para isagawa ang kanyang parati nang ipnahahayg na malawakang reform program.Pero lubhang nainip si Purisima sa palasyo. Ito kaya ay sa dahilang si Biazon ay hindi nangangamba na bigla siyang tanggalin dahil malakas siya kay Pinoy?Pero sa tingin nang mga taga waterfront media mahirap banggain si Purisima.

Takang taka nga si Biazon kung paano siya nasangkot sa “Napoles pork barrel”scandal at tanging siya pa lang nag-resign.Kunsabagay iyong mga kasama niyang isinangkot wala na sa gobyerno.

Sa loob kasi ng two years at 2 months, na hindi magalaw ang big guns na district collector, kasama ang “three kings.”Pulos pla no lang ang madalas daw maidaing ni Biazon masyadong malakas ang mga padrino. Ito ang nagpapakita lang ng kanyang kawalan ng political will. Ha-yan ang saklap pati ang kanyang sinapit. Sinibak ni Purisima  ang matataas na opisyales sa Bureau na halos hindi niya alam (ang S0P kaya kailangan ang kanyang recommendation  o  dili kaya kailangan ni D0F Secretary ang kanyang endorsements sa mga reshuffle ng opisyales. Ito ay hindi nangyari).

Hayon. Umalis si Biazon na masakit ang loob. Unang-una iyong graft case niya na dapat ni-yang harapin, ikalawa, iyong parang sibat na pag-aalis at ang pagpapalit ng mga tao galing sa training sa D0F.Gusto daw ni Biazon, tatanggap pa rin siya kung ano man ang maibibigay  ni P-noy na trabaho sa kanya, huwag lang sa customs.

Si Biazon ang pinakahuli sa mga “fallen angel” sa Aquino government. Marahil may mga susunod pa.

Arnold Atadero

About hataw tabloid

Check Also

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Christine Bermas Yen Durano Celestina Burlesk Dancer

Christine Bermas tuloy ang paghuhubad sa VMX 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKUWESTIYON ang muling pagsabak ni Christine Bermas sa pagpapa-sexy sa pamamagitan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *