WORLD AIDS DAY—Guest speaker ang Kapatid drama prince at Positive lead actor na si Martin Escudero sa ginanap na HIV/AIDS Awareness Breakfast Forum na inorganisa ng Asian Development Bank sa kanilang tanggapan sa Mandaluyong. Nagsalita si Martin tungkol sa responsibilidad ng media sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa kalagayan ng HIV at AIDS sa bansa. Ang TV5 ang kauna-unahang network sa Pilipinas na matapang na tumatalakay sa HIV at AIDS sa pamamagitan ng teleseryeng Positive . Kasama sa larawan sina (L-R) Positive Executive Producer Erwin Nieto, ADB Lead Health Specialist and Health CoP Chair Patricia Moser, Martin, TV5 Production Unit Head for Drama Edlyn Tallada-Abuel, at Positive Program Manager Camille Gomba-Montano.
PATULOY pa rin sa paghahanap si Martin Escudero sa nakahawa sa kanya ng HIV at ito ay matutunghayan pa rin ngayong Huwebes sa Positive sa TV5.
Tatakasan ni Carlo (Martin) ang kanyang nanay na si Esther (Bing Loyzaga) at ititigil niya rin ang pag-inom ng anti-retroviral drugs (ARVs) na tumutulong mapahaba ang buhay niya. Dahil dito, mas lalong mag-aalala ang kanyang peer counselor na si Anne (Bianca Manalo) para sa kanyang buhay. Matatandaang nasa AIDS stage na si Carlo—meaning, masyado nang mahina ang kanyang immune system at maaari siyang dapuan ng kung ano-anong komplikasyon.
Matatandaang kakilala ni Carlo kay Franz, ang beking drug dealer na nagsu-supply sa kanya ng drugs noon. Hindi masyadong maalala ni Carlo ang mga nangyari dahil sa kanyang pagka-high sa droga pero malaki ang kanyang hinalang baka nakatalik niya ang lalaki habang siya’y high na high sa droga.
Si Gio Alvarez ang gaganap na Franz sa special episode na ito.
Si Franz na nga kaya ang makasasagot sa mga katanungan ni Carlo? Tutukan ‘yan sa Positive ngayong Huwebes, 9:00 p.m.sa TV5!
Maricris Valdez Nicasio