Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

120413 bobby graces

NAPAWI ang pamamanglaw ng mga lolo at lola sa Golden Reception and Action Center for the Elderly and Other Special Cases (GRACES), isang home for the aged institution na nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nang dalawin at awitan  ng acoustic band na Bobby Mondejar & Friends (Boy Collado, Joey Urquia, Wally Singson at Breezy Mondejar) kasama ang Friday Group para sa kanilang Christmas outreach activity nitong Disyembre 1 (Linggo).

Bilang bahagi ng Christmas outreach activity ng Bobby Mondejar & Friends, naghandog sila ng salo-salo habang inaawitan ang mga elderly ng mga awiting nagpasaya sa kanila. Nagkaloob din ang grupo ng tatlong wheelchairs, mga damit, Krystall Herbal Oil at herbal soap.

Lubos na nagpapasalamat ang Bobby Mondejar & Friends sa mga tumulong at nakaagapay nila para ma-tagumpay na maisagawa ang nasabing proyekto gaya ni Tony Ong na nagkaloob ng wheelchairs, ang HCPC, Biguerlai, kina Vangie Mondejar Lee, Vic de Vera, Edgar Tiburcio, sa Friday Group at sa lahat ng mga sumuporta sa kanilang Dinner Show noong September 11.

Ang Bobby Mondejar & Friends ay malugod na sinalubong ng mga staff ng GRACES – DSWD na sina executive officer of the day (EOD) Flory Viquiera, Ma. Corazon Amapan at May Prudencio sa nasabing elderly institution na mata-tagpuan sa Bago Bantay, Quezon City. (RAMON ESTABAYA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …