Thursday , June 13 2024

Sino ang Man’s Best Fed?

INUNGKAT kamakailan ng isang kaibigan ang K-9 issue, binigyang-diin ang pilosopiya tungkol sa karapatang pantao ng mga preso.

Ikinompara niya ang sniff dogs ng Philippine National Police (PNP) sa mga nakabilanggong kriminal at napag-isip-isip niyang maling-mali ang pagtrato ng gobyerno sa tao kompara sa aso.

Pinupunto ng kanyang argumento ang paggastos ng PNP ng P100 kada araw para sa pagkain ng trained canine habang naglaan lang ang Bureau of Corrections (BuCor) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng P50 daily food allowance para sa bawat preso.

Kung hindi ko pinagtimbang-timbang na mabuti ang issue, posibleng sinegundahan ko na ang kaibigan ko. Pero sa pag-aanalisa ko sa kanyang punto, taliwas ang aking opinyon.

Una, hindi naman makatwirang ikompara ang isang napakikinabangang aso sa isang kriminal dahil isa itong malinaw na pagmemenos sa kahalagahan ng tao. Kaya hindi ito ang dapat na basehan ng gobyerno sa pagtrato sa tao laban sa aso.

Tandaan n’yo na ang mga aso ng PNP at trained K-9s ay tumutulong upang matukoy at mahuli ang mga pasaway sa lipunan—drug traffickers, murderers, kidnappers, terrorists, at iba pang kaaway ng matitinong tao.

Asal-tao lang ang dapat na tratuhing tao. Kung sinasamantala niya ang kanyang kapwa at ang kawalang-konsensiya ay masahol pa sa hayop, walang dudang ang mga aso—lalo na ang mga kapaki-pakinabang—ay higit na mabuting “mamamayan” ng lipunan.

Sa kabilang banda, sang-ayon ako sa aking kaibigan na kung tunay na seryoso ang ating gobyerno na sangkapan ng rehabilitasyon ang pagpaparusa sa mga kriminal, kailangan daang-beses na pagbutihin ang penal system sa ating bansa.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About hataw tabloid

Check Also

Kapuso Fans Day Independence

Kapuso stars lilibutin ang ‘Pinas sa Araw ng Kalayaan

RATED Rni Rommel Gonzales TIYAK na memorable at espesyal ang paggunita sa Araw ng Kalayaan …

Jed Madela

Jed Madela inabangan, kinagiliwan sa Phil Expo Tokyo 2024

HARD TALKni Pilar Mateo PINAINIT ni Jed Madela ang mga kababayan nating nanood sa kanyang appearance sa …

Pulang Araw

Pulang Araw ng GMA mauunang mapanood sa Netflix

I-FLEXni Jun Nardo UNANG mapapanood sa streming app na Netflix ang GMA series na Pulang Araw bago sa free TV ng …

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

Alden Richards Miss Universe MUPH

Alden ‘di raw pwedeng maging voice talent ng Waze

HATAWANni Ed de Leon NATAWA kami sa isang video sa social media. Hindi raw dapat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *