Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vic, nakaplano ang pag-aanak at pagpapakasal

MAY apat  na anak si Vic Sotto mula sa tatlong babae.  Dalawa ang anak niya kay Dina Bonnevie na sina Danica at Oyo, isa kay Connie Reyes, si Vico at isa rin mula sa namayapang aktres at model na si Angela Luz, si Paulina.

Ang present girlfriend ngayon ni Vic ay si Pauleen Luna. Kasama ba sa plano  nila ni Pauleen ang magkaroon na ng anak?

“Alam mo, ‘yung mga plano sa buhay, nandiyan naman ‘yan, eh. Kaya ka nakikipagrelasyon kasi may mga plano ka, hindi lang dahil trip mo lang. ‘Yun ay dahil mayroon kang long-term plans,”sabi ni Vic nang makausap namin sa presscon ng pelikulang  pinagbibidahan nila nina James “Bimby” Aquino Yap at Ryzza Mae Dizon, ang My Little Bosings na entry sa darating na 2013 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25.

Dagdag niya”Hindi ko naman puwedeng itanggi na walang plano to settle and get married in the future. Pero kung darating man ‘yon, kung mayroong definite plans, kayo ang unang makaaalam.”

Napag-uusapan na rin ba nila ni Pauleen ang tungkol sa pagpapakasal?

“Marami kaming napapag-usapan,” matipid na sagot ni Vic.

Pero sinabi pa ni Vic na hindi naman niya ililihim kung may plano na nga raw silang magpakasal ni Pauleen.

“Wala akong itatago, kayo ang unang makaaalam,””aniya pa.

Phil, friends pa rin kay Angel

AYAW sabihin ni Phil Younghusband kung ano ang tunay na dahilan ng break-up nila ni Angel Locsin na nakarelasyon niya nang mahigit dalawang taon.

Ayaw din niyang sagutin ang tanong kung gumagawa ba siya ng paraan para muling suyuin si Angel. Pero tiniyak niya na magkaibigan pa rin sila ng dating karelasyon kahit nga hiwalay na sila nito.

Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …