Sunday , December 22 2024

PacMan ‘di na lalabanan si Marquez?

PAGKARAANG na manalo noong nakaraang linggo si Manny Pacquiao kay Brandon Rios via unanimous decision, marami ang nagsasabing nagbalik na nga ang dating bagsik ng Pambansang Kamao sa ring.

Sa Venetian Resort’s Coati Arena ay nasaksihan ng boxing fans kung paano pinaglaruan sa loob ng 12 rounds ng Pinoy pug ang future ng boksing na si Rios pagkatapos ng masaklap ng paghiga sa canvas ni Pacman sa Kamao ni Juan Manuel Maquez noong nakaraang taon.

Sa naging panalo ni Pacquiao kay Rios ay nagkaroon agad ng assessment si veteran trainer at dating two-division world champion Roger Mayweather.

“I know he aint going to fight Marquez again,” pahayag ni Roger.. “I guess he probably have to go back and fight somebody.”

Sa himig ng pananalita ni Roger ay parang sinasabi nito na may takot na si Pacman kay Marquez kung kaya iiwas muna  itong kaharapin pa ang kontrapelong boksingero.

Ngunit naniniwala rin siya na temporaryo lang ang takot na iyon dahil isang warrior si Pacquiao na babangon para buweltahan ang muntik nang sumira sa kanyang career.

Posible pa ring mangyari ang paghaharap nina Pacman at Marquez pero bago iyon ay kailangang talunin muna ng Pinoy pug si Tim Bradley na tumalo rin sa kanya sa isang kontrobersiyal na split decision noong 2012.

“He can fight Bradley; that’s a good fight for him,” sabi ni Roger. “Timothy Bradley is a good fight for him. I think he’s going to give Pacquiao problems anyways. The thing of it is, hey, it’s going to be a good fight. One way or the other it’s still a good fight.

“And people are going to point to that as a thing to fight Floyd,” dagdag pa ni Roger. “That’s the kind of bout that would bring Pacquiao back. Because Timothy Bradley’s got a good name.”

Pero katulad ng hiling ng mundo ng boksing, naniniwala si Roger na dapat magkaroon ng realisasyon ang paghaharap nina Pacman at Floyd sa hinaharap.

“Obviously he’d have to stop the guy in order for [people] to say ‘you got a chance with Floyd,’” pagtatapos ni Roger.

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *