Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kristine, gaganap na Dyesebel (Bagay pa ba o masyonda na?)

TRULILI kaya na si Kristine Hermosa ang gaganap sa Dyesebel?

Aksidenteng narinig naming pinag-uusapan ng ilang taga-production sa isang restaurant sa Quezon City na ang Dyesebel daw ang comeback TV project ni Kristine na ilang taon na ring hindi aktibo sa showbiz.

Heto ang eksaktong narinig naming tsikahan, ”huy, alam mo ba, si Kristine pala ang Dyesebel? ‘Di ba parang ang tanda na niya?

Sabi naman ng kausap, ”oo nga, eh, pero aminin mo, may asim pa ang lola mo at ang fez, aminin, ganda talaga, maamo, eh, ‘di ba ang Dyesebel ganoon, parang si Alice Dixson lang dati?”

Sundot naman ng isa pang kausap, ”in fairness, bagay naman talaga kay Tin (palayaw ni Kristine) ang Dyesebel, ang tanong, hindi kaya maging sakit ng ulo na naman siya, remember ‘yung huling serye niya? Naloka ang lahat.”

At sabay-sabay nag-apir ang tatlong nagtsitsikahan at sabay sabing, ”ayaw ng ‘Prinsesa ng Banyera’, ha, ha, ha.”

Bigla tuloy naming naalala ang panghapong programang Prinsesa ng Banyera ni Kristine kasama sina Angelika de la Cruz, Ara Mina, at Andi Eigenmann na Andrea pa ang gamit na pangalan that time. Sa nasabing serye rin nag-umpisa ang relasyon nina Tin at Oyo Boy Sotto na asawa na niya ngayon.

Samantala, tinanong namin ang publicist ng Dreamscape Entertainment na si Erick John Salut,”naku, wala po talaga akong idea. Top management level po ang nakaaalam,” mabilis na sabi sa amin.

Hmm, magandang pahulaan nga ito kung sino ang gaganap na Dyesebel sa 2014, ikaw Ateng Maricris, pabor ka bang si Kristine ang gumanap? (Pwede naman! Ang tanong, papayagan ba siya ni Oyo?!)
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …