WALANG ilusyon si Kris Aquino na makakuha ng best actress trophy sa darating na Metro Manila Film Festival awards night para sa pelikulang My Little Bossings.
“No, my God I have five (5) sequences, ano ba, ha, ha, ha, ha, natawa (naman) ako,”tumatawang sabi ng Queen of All Media.
Ang nanalong Best Supporting Actress sa PMPC Star Awards for TV na si KC Concepcion daw ang makakalaban ni Kris para sa pelikulang Boy Golden ni Laguna Governor Jeorge ‘ER’ Ejercito.
“She should (win), my God, wala akong ginawa (sa pelikula), I’m being honest, wala (ginawa) at talagang support lang (ako). And I only allowed that because nga it’s my son,” pagtatapat ng TV host.
Samantala, sinagot ni Kris ang tungkol sa talent fee ng anak, ”heto, puwede kong sagutin ‘yung talent fee (Bimby) kanina sina Boy Abunda at Deo Endrinal (manager ni Bimby) na kung hindi rin lang ima-match ang talent fee ni Vic Sotto hindi tayo maniningil, eh, ang mahal niyong kay Vic, sobrang taas (kaya),” sabi ng Kris TV host.
Hindi totoong mababa ang talent fee ni Vic sa My Little Bossings, ”no! Promise, I swear, ‘no! Basta malaki, deserved niya ‘yun, kung ako rin baka I paid him double pa.”
Sa kabilang banda, ipinaalam na raw ni Kris kay Bimby kung magkano na ang kinikita nito, ”lahat ipinakikita ko. Kasi, I believe in transparency. And suwerte niya, si Boy and si Deo hindi naniningil ng komisyon sa kanya kasi mga ninong sila.
“So, buong-buo. Tapos, ako nagbabayad ng tax. So, everything he has earned, 100% is his. Pati tax, ang laki niyon ha, care of the nanay,” kuwento ng proud mama ng batang aktor.
Sobrang hands on mom
Sa Q and A ay naikuwento rin ni Direk Marlon Rivera na sobrang hands-on mom si Kris sa anak dahil sa unang araw ng shooting.
“Day 1 ay may dala-dala siyang acting coach para kay Bimby, nandoon si Liz Uy para ayusan si Bimby, nandoon si Marc Nicdao para kunan siya ng picture, so sobrang overwhelming.
“But if you analyze the situation, sobrang pabor sa akin ‘yun kasi ang daming nagbabantay, ‘di ba? Di mo na kailangang tumawag ng make-up, nandiyan si yaya, nagpupunas ng pawis.”
Bilang producer ay sobrang sipag daw ng TV host, ”noong day 1 namin, siya ‘yung nag-ayos ng lahat, mayroon siyang crew, mayroon siyam na camera, siya ‘yung nagdi-direk ng lahat, siya nagpo-floor director, siya na lahat. At mayroon pa siyang pagkakataon na padalhan ako ng pagkain.”
At maski na may limang sequences si Kris sa My Little Bossings ay wala raw siyang talent fee kundi ang anak lang niya.
”Si Bimb ang may talent fee, ako wala,” saad pa.
Deadma sa mga basher si Kris
Tinanong din si Kris tungkol sa mga taong nagba-bash na hindi naman daw nakatanggap ng tulong ang ibang biktima ng Yolanda.
“I don’t care about them because the people na napuntahan namin, grabe ang gratitude. Kasi ‘di ba, ‘yung mga hindi ma-please are not the people there? I love the Warays, I told Boy about it.
“Mahal na mahal ko ang mga Waray kasi bongga silang magpasalamat, sobrang hindi selfish. Noong lahat idini-distribute namin para lahat magkaroon, noong una napapa-tatlo bigay dahil napapalingon ka sa iba, sasabihin nila, mayrpon na sila (honest).
“Kaya nasa-sad ako na hindi ‘yun nakikita ng tao, bakit hindi natin ipakita ‘yung mga kabutihan ng Filipino at ‘yun first hand na nakita ko for myself, grabe,” kuwento ni Kris.
Binabatikos din ang kuyang si PNoy tungkol sa nangyaring trahedya na mabagal daw ang ginagawa nitong pagtulong.
“I don’t need to defend him because actions speaks louder than criticism and siguro the fact until now, he enjoys the trust of the people, ‘yun kasi kapag nae-emotional ako, nagte-text ako sa kanya at sinasabi niyang, ‘relax’ o di okay lang. At siya (PNoy) nagsasabi sa akin ng, ‘Kristina, relax, deadma’.
“You don’t become immune ha, but you become stronger and siguro, he’s been through everything. This year alone, lahat napagdaanan na, so kung anuman ‘yun, bilib talaga ako sa pagkatao niya that he has not changed,” katwiran ng Queen of All Media.
Reggee Bonoan