MALAKI ang paniwala ng producer na si Ms. Ida Tiongson ng HPI Synergy Group sa pakikipagtulungan ng Wings Entertainment na sa pamamagitan ng divine intervention niPadre Calungsod, maraming positibong aksiyon ang naganap para matapos at maisakatuparan ang pelikulang Pedro Calungsod: Batang Martir na pinagbibidahan niRocco Nacino at isa sa MMFF 2013 entry.
Ayon sa kuwento ni Ms. Ida, two weeks before the deadline ng MMFF nang ilapit sa kanya ang Pedro Calungsod movie. Noong una nga raw ay ayaw niyang gawin ang pelikula pero sa hindi mapaliwanag na kadahilanan, napa-oo siya at sinuportahan ang matagal nang ginagawang pagsasaliksik ng director nitong si Francis O. Villacorta. Naniniwala rin silang thru the guidance of San Pedro, na-approve ang kanilang pelikula.
Kahit ang bida nitong si Rocco ay nakaramdam ng guidance at blessings ni San Pedro Calungsod dahil may eksenang muntik na siyang malunod pero nakaligtas siya sa kapahamakang iyon.
Nagkakaisa rin ang mga iba pang bida rito na sina Christian Vasquez (bilang Padre Diego de San Vitores) at Jestoni Alarcon (bilang Capt. Sta Cruz) na magandang ehemplo ang pelikulang Pedro Calungsod para sa mga kabataan. Ipinakikita kasi sa pelikulang ito ang awareness ukol sa buhay ng isang batang santo na naging martyr sa ngalan ng Christian faith.
Ayon kay Direk Villacorta, hindi lamang tungkol sa martyrdom ni Pedro Calungsod ang pelikula, bagkus ukol din ito sa role na ginampanan niya sa San Diego Mission sa Marianas Islands (Guam) na pinangunahan ni Padre San Vitores noong 1668-1672. Ipakikita rin sa pelikula ang mga virtue na kanyang natutuhan para mapagsilbihan ang propagation ng Christianity noong panahon ng paganism, doubt, at disbelief.
Bagamat walang malinaw na papeles na makapagsasabi ng tunay na pinagmulan o istorya ng buhay ni Pedro Calungsod, nakakuha naman si Direk Villacorta ng mga kumbaga’y supporting papers na makapagsasabi na ang ipakikita nila sa ginawa nilang pelikula’y naging buhay ng batang santo.
“Young people today can learn a lot from the heroic life of San Pedro Calungsod. Ordinary as he was, being a young catechist and mission assistant, the dedication to his work and his devotion to God is all too inspiring.
“His longing for his biological father back home in the Visayas will eventually be overcome by his longing for Jesus Christ. What a fascinating study of a young life all too willingly given up for the love of our Savior. Because in the end, I believe, our lives on earth is all a preparation for our reunion with Him, our Creation,” giit ni Direk Villacorta.
Sa pagkakabuo ng istorya ni San Pedro Calungsod, nakatitiyak akong nagkaroon din ng divine intervention at guidance mula sa kanya si Direk Villacorta para matapos ito at maibahagi sa mga kabataan. Kaya hindi nakapagtataka na i-endorse ito ng DepEd para mapanood ng maraming kabataan.
Ang istorya ni San Pedro Calungsod ay tiyak na makatutulong sa maraming kabataan para tahakin ang tamang daan tungo sa magandang buhay at pag-uugali.
Very honoured si Rocco na gampanan ang role bilang San Pedro Calungsod at umaasa siyang maraming kabataan ang mai-inspire sa istorya ng batang santo. Kasama rin dito sina Ryan Eigenmann, Robert Correa, Victor Basa, Arthur Solinap, Miko Palanca, Jao Mapa, Andrew Schmmer, at marami pang iba.
Maricris Valdez Nicasio