Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bing, naantig ang puso sa kuwento ng mga may HIV at AIDS

NGAYONG Huwebes sa Positive, mas lalong makikilala ng mga manonood ang nanay ni Carlo (Martin Escudero) na si Esther Santillan, na ginagampanan ng batikang aktres na si Bing Loyzaga.

Matatandaan na noong inamin ni Carlo ang kanyang sakit na AIDS sa kanyang asawang si Janis (Helga Kraft), pinili nitong iwan siya upang makapag-isip-isip, na siya namang naging dahilan ng pagtatangka ni Carlo na magpakamatay!

Dahil dito, susugod naman si Esther upang saklolohan ang kanyang anak.

Dapat pakatutukan ang nakaaantig na mga eksena sa HIV series na ito ngayong Huwebes. Maging si Bing mismo ay sobrang naapektuhan daw sa kalagayan ng HIV at AIDS sa bansa kaya sincere ang mga luhang mapapanood mula sa casts. Labing tatlong (13) bagong kaso kasi ng HIV ang naitatala sa bansa araw-araw. Kasama si Bing sa mga nag-immersion sa AIDS Society of the Philippines na nakasama nila at nakausap ang mga ilang mga people living with HIV at AIDS at kanilang mga pamilya.

“When you talk about HIV, you’re not just talking about the person who has the virus. You must remember that you’re also talking about families, friends, mothers and fathers who move heaven and earth just to save their loved ones life.

“Mare-realize mo kung gaano ka-fragile ‘yung buhay eh. Kaya talagang apektado ako. I do it for them.”

Mapapanood si Bing sa Positive tuwing Huwebes, 9:00 p.m. sa TV5.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …