Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aga at Charlene, nagpaplano muling magka-anak

GAMAY na gamay na ni Luis Manzano ang pagiging host niya ng  Minute To Win It! matapos na masalang na siya sa sari-saring game shows sa ABS-CBN kaya hindi nakapagtataka na siya ang magwagi sa nasabing kategorya sa katatapos na Star Awards for TV.

At kung hosting sa game/quiz show ang pag-uusapan, pumapasok na ngayon sa ligang ‘yan ang aktor na si Aga Muhlach na sinanay muna sa pag-iikot niya sa iba’t ibang parte ng mundo sa Pinoy Explorer ng TV5. At ngayon, muling binigyan ng tsansa sa Let’s Ask Pilipinas! na napapanood gabi-gabi, 7:00 p.m..

Nakausap namin si Aga sa kanyang game/quiz show sa studio nito sa Novaliches. In his elements ang aktor sa pakikipag-kuwentuhan at laro sa mga contestant na kinakausap niya sa iba’t ibang lugar kung nasaan ang mga ito—sa Batangas, Valenzuela at iba pa.

“Landi” ang sabi namin sa pagpapa-kilig niya sa dalawang lady contestants.

So, hindi ba ito pinagseselosan ng misis niyang si Charlene?

“No reason para magselos. Papunta na kami sa 13th year namin. Malalaki na sina Atasha at Andres. Ang alam ko lang, we came na to that point na para na lang kaming magkaibigan. But I know, after the kids have grown, babalik na uli ‘yung alam mo na…the passion, the romance na naisasantabi lang naman. Kaya ang hinahanap mo na kasunod eh, hindi muna nangyari. At para naman kasi sa amin, with the kambal, kuntento kami dahil kompleto na. Pero, kung may ibibigay pa rin si Lord, siyempre, it’s going to be a blessing!”

So, let’s ask nga Pilipinas, ano sa tingin nila ang magiging dahilan para magkaroon uli sila ni Charlene ng baby? a. bakasyon sa ibang bansa b. more room sa kuwarto nila?

Ang makasagot? Sabi ni Aga, ‘pag may naka-get ng half a million, magbi-breakdance siya, eh. Sa tanong na ito—‘am sure, isang ma-AGA’ng Pamasko!

Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …