Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian, nominado rin sa Asian TV awards (After PMPC Star Awards for TV…)

DAGDAG sa tiwala at maganda ang aura ng Primetime Queen na si Marian Rivera sa pagkapanalo niya bilang Best Drama Actress ng PMPC Star Awards for TV para sa serye niyang Temptation of Wife.

“Ako agree ako na ‘yung mga na-nominate, manalo matalo, para sa amin  panalo kami,”deklara niya.

Sa seryeng napanalunan niya ay nominado rin siya sa Asian TV Awards sa Singapore.

“Pupunta ako para ma-experience kung paano maranasan ang Asian TV Awards. Pupunta ako roon na wala akong..iisipin. Basta ako, gusto ko lang pumunta para maranasan. Manalo man matalo, ang importante, nominado.”

Sinunod daw niya ang payo ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes na kahit anong resulta, pumunta siya sa Asian TV Festival.

“So sabi ko, sige attend ako.”

Sasamahan ba siya ni Dong?

“May taping siya, eh, ako lang,” aniya pa.

Ano ang feeling na after Star Awards, Asian TV Awards  na ang dadaluhan niya?

“Hindi ko alam, basta masaya ako. Siguro nagkataon lang na na-nominate ako sa Asian TV Awards,” aniya.

Sa pagkapanalo ni Marian bilang  Best Drama Actress sa Amaya para sa Enpress (Golden Screen Awards for TV) at  ngayon sa PMPC Star Awards for TV ay lalo niyang paghuhusayan ang next serye niya sa Kapuso Network with Alden Richards.

“Magiging inspirasyon ito sa akin na pagbutihin ko ang trabaho ko at ang sarap ng pakiramdam talaga na binibigyan ka ng ganitong karangalan sa mga nagagawa mo,” sambit niya.

Mas malaki ang expectation ng mga tao sa acting niya?

“Ay okey lang, ‘di mas mabuti. At least mas lalo kong pagbubutihin ang trabaho ko,” deklara pa niya.

Talbog!

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …