Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Spin Nation ni Jasmin, nag-trending agad!

KALIWA’T KANAN ang bumabati kay Jasmin Curtis Smith dahil nag-number one sa trending ang bago niyang programang SpinNation, ang first social media music show na umere noong Sabado ng gabi sa TV5 dahil nagawang itawid ng dalagita ang isang oras nitong programa na halos siya lang ang dumadaldal.

Bukod sa followings ni Jasmine sa Twitter na mahigit isang milyon ay nag-tweet din ang ate Anne Curtis niya na may tatlong milyong followers kaya siguro sinuportahan ng todo ang SpinNation.

Pero bukod pala sa magkapatid ay sumuporta rin ang special friends daw ni Jasmin na si Sam Concepcion.

Naikuwento sa amin ng kampo ng TV host/singer na proud na proud daw si Sam kay Jasmin kaya’t tinanong namin kung bakit, “eh, kasi special friends sila.”

Special friends? Magsyota na?

“Eh, hindi naman inaamin pa, pero sa tingin namin, oo, sila na, ayaw lang aminin, pero okay na ‘yun kasi mabait at sweet si Jasmin sa lahat ng kaibigan ni Sam at siya lang ang ipinakilala ni Sam sa lahat, pati sa manager niyang si Carlo Orosa, dinala niya sa Stages at ipinakilala.

“Rati kasi noong si Coleen (Garcia) ang dyowa niya, hindi niya ipinakikilala, nalaman na lang namin na sila na, pero hindi pa rin nila inaamin, ha, ha, ha,” tumatawang kuwento sa amin ng kampo ng aktor.

Oo nga, ‘no? Wala kaming natandaang inamin ni Sam na  naging girlfriend niya si Coleen at namumukod tanging sina Enrique Gil at Gab Valenciano lang ang umamin.

Anyway, type pala ni ni Coleen ang magagaling sumayaw, una si Enrique, tapos si Sam, sumunod si Gab at ngayon ay nail-link siya kay Billy Crawford na hindi naman daw niya boyfriend.

Anyway, going back to Sam and Jasmin, bagay na bagay naman sila, ‘di ba Ateng Maricris at in fairness dahil parehong English speaking bukod pa sa parehong sikat at may talent.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …