Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sarah at Matteo, may unawaan na (Suportado kasi ang actor ng Popsters, may taga-paghatid balita pa)

MUKHANG may unawaan na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na ayaw lang nilang ipaalam sa lahat para hindi na sila intrigahin pa.

Nakarating sa amin na noong premiere night ng pelikulang Saturday Night Chills na pinagbibidahan nina Joseph Marco, Rayver Cruz, at Matteo na kasama sa Cinema One Originals na ginanap sa Robinson’s Galleria ay dumalo ang Popsters ni Sarah.

Tinanong namin ang nagkuwento kung naroon si Sarah, “wala po, mga Popster lang to support Mat( tawag nila sa aktor),” sabi sa amin.

Naisip namin kung walang usapan o unawaan sina Sarah at Matteo ay bakit suportado ng mga tagahanga ng singer/actress ang aktor?

Bukod dito ay ang mga loyalistang tagasuporta pa raw ni Sarah ang nagbabalita kay Matteo tungkol sa kanilang idolo ganoon din daw sa aktor na ibabalita naman nila sa dalaga.

Sabi namin, okay lang na hindi nila aminin, lalabas din naman ang totoo pagdating ng araw dahil ganito rin naman ang nangyari noon kina Rayver at Gerald Anderson na tigas ng katatanggi ni Sarah, pero napaamin din pagkatapos nilang maghiwalay.

Tinanong namin ang aming kausap kung bakit hindi dumalo si Matteo sa nakaraang Perfect 10 concert ni Sarah sa Araneta Coliseum noong nakaraang linggo?

“May taping po si Mat ng ‘Galema’, hindi po siya pinayagang umalis sa taping,” sabi sa amin.

‘Yun na!
Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …