Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, limot na si Phil

NGAYON sinasabi ni Angel Locsin na unti-unti na nga siyang nakaka-move on matapos ang split nila ni Phil Younghusband. Si Phil naman ay nanahimik lang at wala na nga tayong nababalitaan. Mas madali kay Phil na gawin ang ganoon kasi hindi naman masyadong visible ngayon ang kanilang football team, at wala namang ibang pagkakataon na matanong siya ng mga tao, samantalang si Angel ay isang artista at masyado ngang visible sa mata ng publiko.

Masasabing okey din naman dahil noong mangyari ang kanilang split ay may tinatapos na isang serye sa telebisyon si Angel, at kailangan din niyang mag-abroad para sa ilang eksenang kailangang kunan doon. Siguro nga iyon ang masasabing naging get away ni Angel, kaya nang bumalik siya rito ay hindi na ganoon katindi ang impact ng kanilang split ni Phil.

Nito namang mga huling araw, makikita mo ang pagpipilit ni Angel na maging busy siya, para nga siguro pagod siya at pagdating sa bahay ay matutulog na lang at hindi na niya maramdaman pa ang kung ano mang pangungulila.

Isipin ninyong si Angel mismo ay sumama pa sa mga volunteer na nagbabalot ng mga relief good na ipinamimigay ng Red Cross. Ang inaasahan naman sa kanya ay tumulong lamang sa mgha fund campaign at makalikha ng awareness sa ginagawa ng Red Cross. Ang ginawa niya ay higit pa roon dahil iyon ngang manual work ng mga volunteer ay pinasok pa niya.

Kung sa bagay, kasi nakaaaliw naman talaga ang ganoong trabaho, bukod nga sa napapagod ka at mabilis makatulog pagkatapos. Ang higit na mahalaga ay lumilipas ang oras nang hindi mo namamalayan. Siguro nga iyon ang naging advantage niyon para kay Angel, na lumipas ang mga araw nang hindi niya halos namamalayan hanggang sa makatayo na siyang muli nang wala si Phil.

Ang tingin namin, talagang in-love naman sila sa isa’t isa. Sayang nga lang at kailangang umabot sila sa isang split.

Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …