Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Rachelle Ann, pasok sa Miss Saigon

MASUWERTE ang Kapuso singer na si Rachelle Ann Go dahil siya ang napiling gumanap na Gigi Van Tranh na unang ginampanan ni Isay Alvarez sa original Miss Saigon na pinagbidahan naman ni Lea Salonga bilang Kim na itinanghal sa West End, sa Theatre Royal, Drury Lane, London, noong September 1989.

Ang Miss Saigon din ang nagbigay kay Lea sa England ng Laurence Olivier Award (Best Actress in a Musical 1989-1990 season) at sa Amerika ng Tony Award (Best Performance by an Actress, 1991).

Hanggang ngayon nga raw ay hindi pa nagsi-sink-in sa utak ni Rachelle na napili siya, hindi nga raw ito makapaniwala na siya ang mapipili bilang Gigi sa rami ng nag-audition. Thankful nga ito dahil matutupad na ang kanyang pangarap na makagawa ng Musical Play sa London na ipapllabas ang revival ng Ms Saigon sa sa West End, simula May 3, 2014, sa Prince Edward Theatre, London.

Aga, focus na muna sa showbiz career, ayaw na sa politika

WALA na raw balak tumakbo pa sa 2016 election ang host ng TV5 game show na Let‘s Ask Pilipinas na napapanood tuwing Monday to Friday, 7:00- 7:30 p.m. na si Aga Muhlach.

Tsika ni Aga, tatakbo lang siya kapag maayos na ang sistema sa politika.

Nasaksikhan daw kasi nito ang mukha ng politika sa bansa nang tumakbo ito bilang Kongregista noong nakaraang eleksiyon at hindi pinalad na manalo.

Dagdag pa nito na hindi totoo ang sinasabi ng marami na magkapareho lang ang politika at showbiz dahil mas ‘di hamak na mas maraming totoo sa showbiz kompara sa politika.

Sa ngayon daw ay mas magpo-focus na lang muna si Aga sa kanyang pagho-host ng Let‘s Ask Pilipinas at Pinoy Explorer na maraming humanga sa husay nitong mag-host. Bukod nga sa dalawang show ay balak na rin nitong pasukin nag pagho-host ng noontime show at may idea na nga ito ng klase ng show na ngayo‘y pinag uusapan na nila ng mga taga-TV5.

Shalala, bagong dagdag sa Showbiz Police ng TV5!

MASAYANG ikinuwento ng mahusay na host/comedian na si Shalala na kasama na siya saShowbiz Police ang talk show ng TV5. Siya nga  ang bagong dagdag sa nasabing show.

Kaya naman sa pagbabalik ni Shalala ay marami na naman ang na-e-excite at nag-aabang ng mga pasabog nitong Blind Item na siyang nagpasikat sa kanya. Bukod kasi sa hindi ito nauubusan ng Blind Item ay inaabangan din ang magandang niyang paged-deliver ng mga ito.

Bukod sa pagpasok sa Showbiz Police, tuloy-tuloy pa rin daw ang shooting ng kanyang launching movie na Echoserang Frog na may mainit daw na eksena kay Derek Ramsey na isa sa kanyang crush.

John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …