Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Danita, ready na raw sa mga daring role

KINOMPIRMA ng ina ni Danita Paner na si Daisy Romualdez na nakapirma na ang kanyang anak ng exclusive contract sa Viva Films.

Sa autograph signing ni Danita para sa magasing FHM na ginanap sa Robinson’s Galleria kamakailan, sinabi ni Tita Daisy na nagdesisyon siyang huwag nang i-renew ang kontrata sa TV5 nang napaso ito kamakailan.

Tatlong taong tumagal si Danita sa TV5 na gumawa siya ng ilang mga teleserye at naging boyfriend si JC De Vera.

Nang nakausap namin si Danita, sinabi niyang wala pa siyang bagong TV network pagkatapos na umalis siya sa TV5 at umaasa siya na ang Viva ay tutulong sa kanya sa paghanap ng mga bagong show.

Proud si Danita sa cover niya sa FHM dahil hindi naman tumutol si Mommy Daisy.

“It’s just my way of saying, talagang mature na ako at kaya ko na ang mga daring role na ibibigay sa akin ng Viva. I also intend to continue my singing career sa Viva Records,” say ni Danita.
(JAMES TY III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …