NAG-REACT si Gladys Reyes sa kumalat na balita sa internet kamakailan na umano’y pinagsarhan ng pintuan ng grupong Iglesia ni Cristo ang ilang mga biktima ng Super Typhoon na Yolanda, dahil hindi nila ito miyembro.
Matapos ang hagupit ng naturang bagyo sa Kabisayaan, kumalat sa internet na sinasa-bing may mga biktima ng Super Typhoon Yolanda na basang-basa sa ulan, pagod na pagod, gutom na gutom, at takot na takot sa sinapit na trahedya ang tinanggihang papasukin daw sa kapilya ng Iglesia ni Cristo kahit na ganito ang sitwasyon ng naturang mga biktima. May balita pa na ang mga kasapi lang daw ng INC ang pinapapasok sa kapilya at deadma sa ibang biktima na hindi nila miyembro.
Sa gitna ng pagkakaisa ng maraming Pinoy at pagtutulong-tulong na mag-ambag para sa anumang ayuda sa mga kababayan nating pininsala ni Yolanda upang sila ay muling makabangon, ang naturang balita ay umani ng sari-saring reaksiyon. Naging negatibo ito sa mara-ming netizens na naging sanhi para kondenahin ng ilan ang naturang aksiyon, although ang iba ay nagtatanong kung totoo nga ba ang lumabas na balita.
Ayon sa PEP.ph, kinunan nila si Gladys ng reaksiyon sa pama-magitan ng Twitter, noong November 14 at last November 19 ay sumagot ang aktres.
“Not true po. Poser po ‘yung nagpasimula that’s why ayaw ko na lang patulan.”
Esplika pa ni Gladys: “With or without calamity, we have feeding, medical mission thru ‘Kabayan ko Kapatid ko’ helping non INC members.”
Si Gladys ay isa sa kilalang showbiz personality na miyembero ng INC.
Marami akong kilalang INC members ang nasaktan sa balitang ito and at the same time, itinanggi rin nila ang naturang ulat.
Saad pa ng mga kaibigan nating INC members, patunay daw ang nakaraang humanitarian mission nila sa Kamaynilaan na nagsikip ang trapiko sa rami ng kanilang tinulungang mga kababayan, regardless kung anuman ang kanilang relihiyon.
Enchong Dee at Enrique Gil, pinagsasabong!
NAGTATAKA raw si Enchong Dee kung bakit may ilang intrigero na ipinapalagay na may rivalry sa kanila ni Enrique Gil.
Nilinaw ng aktor ang mga haka-hakang ito. “Hindi, rivals ba? Unang-una si Enrique magkaiba kasi kami ng ginagawa e. Like ngayon ang pino-promote niya concert, ako naman, movie and hindi ako makakita ng isang bagay kung bakit kami magiging rivals,” paliwanag niya.
Ayon pa kay Enchong, sanay na raw siyang ikinokompara sa mga artistang kasabayan niya at hindi niya iniisip na magiging hadlang ito sa pagyabong pa ng kanyang career.
“So hindi mo maiiwasan e, kapag nandito ka sa tapat ng ilaw, nasa spotlight ka, hindi mo maiiwasan na gawan ka ng ingay,” saad pa ni Enchong.
Dagdag na pahabol pa ng isa sa bituin ng pelikulang Call Center Girl, “Pero ang sa akin lang kapatid ko si Enrique.”
Nonie V. Nicasio