Saturday , November 23 2024

Nasa puso ang pagtulong, maliit man o malaki (Sa mga bumabatikos kay Regine…)

ABOT-ABOT ang pasalamat ni Regine Velasquez sa lahat ng nanalangin para sa amang si Mang Gerry na nakalabas na ng hospital kamakailan lang.

Matatandaang kaliwa’t kanan ang post ng mag-asawang Regine at Ogie Alcasid na humihingi ng panalangin para sa agarang paggaling ng ama ng una.

Sa Hulog ng Langit album launch ay ibinalita ni Songbird na, ”nakalabas na si Papa, na kina Cacai (Velasquez-Mitra) siya, sila ni Mama, hindi muna namin sila pinababalik ng Bulacan, he’s (Mang Gerry) doing well.  Every Sunday we go there, so roon lang kami, it’s family day for us,” napangiting sagot ng singer.

Ayaw ng banggitin ni Regine kung ano ang naging sakit ni Mang Gerry basta’t nagpapasalamat siya sa lahat ng mga taong nanalangin para sa agarang paggaling ng ama na ilang linggo rin daw nasa ICU.

Sa pagkakasakit ng papa ni Songbird ay na-realize niya na pamilya pa rin ang makakasama sa mga ganitong pagkakataon.

“’Pag ang family talaga going through tough times, talagang ang tendency mo, eh, kakapit kayo sa isa’t isa, ‘yung in a way na dinaranas naming problema, mayroon ding magandang idinudulot, you’re becoming closer and nagkakaroon ng kaunting isyu (magkakapatid) but at the end of the day, you still bond together, kasi nga family, eh, ‘yun ang maganda roon, kasi whatever happens, it’s family is family, walang iwanan,”say ni Regine.

Samantala, nasanay na ang lahat na si Mang Gerry ang parating sumasama kay Regine sa lahat ng shows niya kaya’t naitanong kung sasama pa rin siya.

“Ha, ha, ha, sabi ko sa kanya magpagaling siya ng bonggang-bongga kasi ngayon medyo he’s a little weak pa, but slowly, slowly, he’s getting there, prayers pa rin, in-encourage ko siyang magdasal and he’s also aware of what’s been happening sa Yolanda so I told him, we should be grateful kasi we’re all here, family is complete, so okay naman siya,” tuloy-tuloy na pahayag ni Songbird.

Samantala, napakinggan namin ang latest album ni Regine na Hulog ka ng Langit mula sa Universal Records na inihahandog niya sa anak nila ni Ogie na si Baby Nate na gandang-ganda kami  dahil baby book ang peg na nakalagay ang baby pictures ng bagets simula noong ipanganak siya hanggang sa natutong maglakad at sa katabi nito ay ang lyrics ng mga awiting nakapaloob sa album.

Bigla tuloy naming naalala ang anak naming si Patchot habang pinakikinggan ang mga awiting Pag-Ibig, Amazing, My Child, Araw, Ulat, Langit, Just The Way You Are, The One Real Thing, Nathaniel, Hulog ka ng Langit, Rainbow Connection, Pag-Ibig, Tomorrow, Someone’s Waiting For You, Happines, Hele ni Inay, You, Sa ‘Yo Na Lang Ako, You Got It, at God Gave Me You.

Binanggit ni Songbird na ang bahagi ng mapagbebentahan ng album ay ibibigay saPhilippine Red Cross, Quezon City Chapter na gagamitin para sa rebuilding at rehabilitation ng mga lugar na napinsala ng bagyong Yolanda bukod dito ay may CD rin na ilalabas ang mag-asawang Regine at Ogie na The Lord is Our Savior para rin sa mga biktima ng nasabing bagyo.

Pero mukhang may mga taong hindi masaya sa ginagawang pagtulong ni Regine sa mga nangangailangan dahil binabatikos pa rin siya.

“It doesn’t matter anymore. Parang it will matter pa ba? Pag-uusapan lang naman ‘yan so, hayaan mo na sila. If that’s what they want to do, then, they can bash all they want, we can’t do anything about it, basta kami, we’re trying also to do everything we can to help,” say ni Songbird.

Ang dahilan naman ni Regine kaya niya i-pinost ang pagbebenta ng gamit ay para i-encourage ang ibang tao na tumulong at hindi raw ito para sa publicity nila dahil hindi naman daw niya kailangan lalo na sa ganitong pagkakataon.

“Kaya kaming mga artista, nag-o-auction. Hindi para pabanguhin ang pangalan namin. Aanhin pa namin ‘yun? Hindi naman kami tumatakbo. Wala naman kaming pelikulang ipino-promote. Tumutulong lang talaga kami.

“And kami kasi, mas madali naman talagang magbigay ng pera pero mayroon din po kasi kaming mga sariling obligasyon. My father just got hospitalized. Ang tagal namin sa ICU.

”Sa ngayon, kaya ako nag-o-auction kasi ito ‘yung kaya kong gawin. Kasi mayroon din po akong ibang obligation with my family. I have a son, so abot lang ng aking makakaya. Kasi, ang pagtulong naman, ke maliit ke malaki, nasa puso dapat,”paliwanag mabuti ni Songbird.

Puro designers bags and shoes ang ipina-auction ni Regine at napangiti lang ng tanungin siya kung hindi siya nanghihinayang dahil alam ng lahat na pinaghirapan niyang bilhin ang mga ito at apat na beses lang daw niya nagamit lahat, pero hindi niya ibinenta ang mga bigay ng asawang si Ogie, ”ay hindi kasama ‘yun, siyempre.”

Reggee Bonoan

About hataw tabloid

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *