Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Helga Krapf, naglayas!

HINDI biro ang maging positibo sa HIV. Kaya naman kahit sino ang magkaroon nito, tiyak na matatakot, malilito, at maghahanap ng mga katanungan kung kanino at kung saan ito nakuha.

Ito ang nangyayari ngayon kay Martin Escudero sa serye ng TV5, ang Positive na patuloy na naghahanap ng kasagutan sa kung kaninong babae o naka-sexy niya nakuha ang HIV.

Ngayong Huwebes sa Positive, makukumbinse na si Carlo (Martin) ng kanyang HIV peer counselor na si Anne (Bianca Manalo) na sabihin na sa kanyang pamilya ang tunay niyang kalagayan. Dahil dito, mapipilitan si Janis (Helga Krapf) na magpa-HIV test para na rin sa kanyang magiging anak.

Mababahala naman si Esther (Bing Loyzaga) sa palagiang pagtatalo ng kanyang anak at ng asawa nito. Sa kanyang pag-uusisa mula sa kanyang anak, aaminin ni Carlo na mayroon siyang AIDS.

Dahil hindi matanggap ni Janis ang mga nangyayari sa kanilang buhay, maglalayas ito sa kanilang bahay at iiwanan ang kanyang asawang si Carlo.

Mapatatawad pa ba ni Janis ang kanyang asawa? Paano tatanggapin ni Esther ang balitang may AIDS ang anak niya?

Lahat ng ito’y masasagot sa Huwebes kaya tutok lang sa painit na painit na mga tagpo sa Positive, sa Huwebes, 9:00 p.m.sa TV5!

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …