Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Allan K, isa sa special guests ni Michael Pangilinan sa 18MPH sa Zirkoh

TUWANG-TUWA si katotong Jobert Sucaldito sa ipinakitang suporta ng versatile na comedian/TV host na si Allan K sa gaganaping show ni Michael Pangilinan sa Zirkoh Comedy Bar sa Nov. 26 na pinamagatang 18MPH.

Likas talaga ang pagiging matulungin ni Allan K, kaya naman lalong humahataw ang kanyang career at patuloy sa pagdating ng mga blessings para sa isa sa hosts ng top rating at institusyong TV show na Eat Bulaga.

Incidentally, totoo kaya ang nababalitaan namin na malapit nang bumalik si Wally Bayola sa EB? Matapos kasi ang eskandalong nasuungan ng isa sa paborito naming komedyante, nagbakasyon muna pansamantla si Wally. Kung totoo nga ang tsikang ito, welcome back Wally. Everybody deserves a second chance, ‘ika nga at hindi ito dapat ipagkait sa isang talented na comedian na tulad ni Wally.

Anyway, back to Allan K, sa gesture na ito ni Allan ay nasabi na lang ni Jobert sa kanyang Facebook na, “Nakakatuwa, ‘di ba? Someone of his level offered na mag-guest sa show for free. So, nadagdagan na ang guests natin – lalong bumongga!”

Dagdag pa ni Jobert, “Buti na lang kamo, na-move ang flight ni Allan K for his Norway show – instead of November 26, sa November 28 na siya lilipad. Yeheyyyy! Thanks kafatid na Allan K – kaya ka pinagpapala eh, kasi mapagbigay ka.”

Ukol naman kay Michael, sa show niyang ito ay muling magpapakitang gilas ang singer na binabansagan ngayon bilang Bagong Kilabot ng mga Kolehiyala. Balita namin ay malakas ang benta ng self-titled album ni Michael under Star Records na naglalaman ng mga kantang Bakit Ba Ikaw at Ang Saksi Ko na parehong katha ng henyong kompositor na si Vehnee Saturno. Nasa album din ang Dance With My Father, Kung Sakali na originally ay kanta ni Pabs Dadivas, at iba pa.

Ang show na ito sa Nov. 26, Tuesday sa Zirkoh Morato ay bahagi ng celebration ng birthday ng promising na singer/recording artist na si Michael. Bukod kay Allan K, kabilang sa special guest ni Michael sina Luke Mejares, Jimmy Bondoc, and Duncan Ramos. Nandiyan din sina Carlo Aquino, Prima Diva Billy, Inang Willy Jones, Miss Tres, AJ Tamisa, Chazz, at Gladys Guevarra. Kaya gabi ito ng matinding kantahan at katatawanan na hindi dapat palagpasin.

Honesto,  inilalampaso ang katapat sa GMA-7

NAKAKAALIW ang TV series na Honesto ng ABS CBN na pinagbibidahan ng baguhang child star na si Raikko Mateo. Actually, madalang akong manood ng TV sa primetime dahil oras iyon ng deadline ko, pero nasilip ko lang one time ang mga tsikiting ko na nanonood ng Honesto. Mula noon, napadalas na ang panonood ko ng seryeng ito ng Dos.

Bukod kasi sa nakakatuwa ang kuwento, may mga aral na mapupulot sa TV series na ito. Kaya hindi nakapagtataka kung hindi lang mga bata ang nawiwili sa panonood ng Honesto, na pati may edad na o matatanda na ay tumututok sa TV series na ito.

Nang tignan ko ang ratings, talagang astig pala ang seryeng Honesto dahil nangunguna ito sa mga primetime drama series.

Sa Kantar Media/TNS ay laging nangunguna ang Honesto at pinapakain nito ng alikabok ang katapat na show mula GMA-7. Last Nov. 18, nakakuha ang Honesto ng 27.9 % rating kontra sa Adarna ng Siyete na 14.2 % lamang.

Nauna rito, noong Nov. 14 ay humataw sa 30.5 % ang rating ng Honesto kontra sa 13.5 % ng Genesis mula GMA-7. Samantalang Noong Nov. 15 ay 28.6 % ang Honesto laban sa 13.5 % ng Genesis.

Kahit sa datos ng AGB Nielsen Mega Manila noong Nov. 5, ang Honesto ay nagtala ng rating na 23.3 % kompara sa Genesis na 17.1% lamang. At noon namang Nov. 6, panalo ulit ang Honesto sa rating na 24.8 % na as usual ay inilampaso ang Genesis ng Siyete na may rating lang na 17.9 %.

Suwerte talaga ang Dos sa mga child star ngayon. Matapos mag-click sina Zaijian Jaranilla at Xyriel Manabat, nakatuklas na naman sila ng gold mine sa katauhan ni Raikko Mateo.

Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …