Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cristine, never naging sakit ng ulo ng Dreamscape!

MARAMI ang nagtatanong kung karapat-dapat nga raw bang maisama si Cristine Reyes sa top rating primetime teleserye ng ABS-CBN na Honesto. Kilala raw kasing pasaway ang dalaga.

Pero sa totoo lang si Cristine na siguro ang artistang masasabi naming hindi showbiz. Totoong tao ang aktres at kaya lamang siya nasasabihang pasaway ay dahil very open siyang maghayag ng kung anuman ang nararamdaman o kung anuman ang saloobin.

Matagal na rin naming kilala si Cristine at kahit paano’y nasubaybayan namin ang kanyang karera. Gusto namin ang pagiging prangka niya at pagiging totoo.

Kaya naman hindi rin kataka-taka kung ganoon na lamang ang tiwalang ipinagkakaloob sa kanya ng Dreamscape at ng ABS-CBN. Hindi nga naman biro na after Bukas Na Lang Kita Mamahalin ay mapapanood agad siya sa Honesto. Iilan lamang silang artista na after ng isang project ay may kasunod agad. Never daw nga kasing naging sakit ng ulo ang dalaga. At ‘yan din naman ang iginiit ni Cristine na mahal niya ang trabaho kaya ganoon siya ka-dedicated.

Aniya pa, hindi raw pag-change ng image ang dahilan kung kaya niya tinanggap ang role sa Honesto. “Kung anuman po ang ibigay sa akin na role at gusto ko na, tinatanggap ko po. Lalo na kung matsa-challenge ako tatanggapin ko po.”

Thankful din si Cristine sa mga panghuhusgang dumarating sa kanyang buhay dahil iyon ang nakakapagpa-challenge sa kanya para lalo pang paghusayan ang trabahong ginagawa.

At sa mga kukumuwestiyon naman kung bakit isinama si Cristine sa Honesto, narito ang sagot ni Rondell Lindayag, creative head unit ng Dreamscape, “Marami kaming pinagpipilian and alam naman natin na marami pa talaga ang darating at makakasama sa Honesto. Pero pagkatapos ng ‘Bukas Na Lang Kita Mamahalin’, nakita namin na mas bagay kay Cristine ‘yung role. Kaya sa kanya naming ibinigay. Makikita n’yo naman ‘yung sinasabi namin kapag napanood na ninyo ngayong Miyerkoles.”

Iginiit pa ni Lindayag na never naging sakit ng ulo si Cristine. “Hindi totoong bad girl siya dahil ni minsan hindi siya naging sakit ng ulo.”

Isang nurse na siyang mag-aalaga kay Paulo Avelino (Diego) ang role ni Cristine na sa limang taong pag-aalaga niya rito’y mai-inlab na. Kaya naman hindi lang guesting ang role ni Cristine sa Honesto at matagal-tagal siyang makakasama nina Raikko Mateo, Joel Torre at iba pang bida sa teleserye.

Bale siya si Marie, ang misteryosang dalagang pinagkatiwalaan ni Hugo Layer (Joel) na mag-alaga sa kanyang anak na si Diego (Paulo) habang ito ay nagpapagaling.

Sa pagpasok ni Marie sa buhay ng pamilya Layer at Galang, tunghayan ang pagbabagong dadalhin niya sa mag-amang Diego at Honesto (Raikko). Ano ang tunay na pagkatao ni Marie at ano ang ugnayan niya sa pamilyang Layer? Magiging isa ba siyang matapat na kaibigan ni Diego, o isa rin ba siyang manloloko at sakim na tulad nina Hugo at Cleto (Nonie Buencamino)?

Sa kabilang banda, naikuwento ni Cristine na tatlong pelikula (Trophy Wife, The Gifted, at Boy, Girl, Bakla, Tomboy) ang sabay-sabay niyang ginagawa sa kasalukuyan bukod pa ang Honesto. Bagamat wala na halos pahinga, hindi naman siya nagrereklamo. Ipinagpapasalamat pa nga niya ang maraming blessings na dumarating sa kanyang buhay.

Marami-rami na rin kasing naimpok si Cristine at nabiling ari-arian. Apat na pala ang nabili niyang sasakyan at ilan na ring condo unit na gagawin niyang paupahan.

Ukol naman lovelife, zero pa rin ito at iginiit na hindi magiging malungkot ang kanyang Pasko dahil nariyan naman daw ang kanyang pamilya na sama-sama nilang ipagdiriwang ang Kapaskuhan. “Hindi ako magiging malungkot sa Pasko lalo na ngayon na kompleto kami kasi okey na kami ng ate ko (Ara Mina), kaya tiyak masaya kami sa Pasko,” giit ni Cristine.

Kaya huwag palampasin ang pagpasok ni Marie sa napapanahong kuwentong nagbabahagi sa kahalagahan ng katotohanan at katapatan,  Honesto, gabi-gabi, pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …