Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cristine, nag-iiba na ng image

HINDI pa man halos nakahihinga ang mga nakapanood  sa pagtatapos ng Bukas Na lang Kita Mamahalin noong Biyernes ay heto at muli na namang mapapanood si Cristine Reyes bukas sa pambatang seryeng Honesto bilang leading lady ni Paulo Avelino.

Nag-iiba na ang imahe ngayon ni Cristine simula ng gawin niya ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin dahil maganda ang papel niya bilang babaeng nagmamahal sa iisang lalaki maski na may iba siyang pinakasalan dahil sa pangyayaring hindi maiwasan.

Sa Honesto ay good girl din daw si AA (tawag kay Cristine) bagay na tinanong ang aktres kung hindi ba challenge sa kanya ang role.

“Actually, hindi po pressured (role) kasi good girl naman talaga ako kaso nga lang, minsan may moments na ano (topak), ‘yun lang naalanganin, kung mayroon something.

“I try my best na maging good girl naman po but hindi ko naman idine-deny na may pagka-bad girl din naman ako. Yes, para po sa inyo, magpapaka-good girl po ako para sa show na ito at sa ABS-CBN, ayoko po silang i-fail,” nakangiting sabi ng aktres.

Sinegundahan naman ng creative head ng Dreamscape unit na si Rondell Lindayag na good girl si Cristine at hindi totoong bad girl siya dahil ni minsan daw ay hindi siya naging sakit ng ulo sa mga project nito sa Dreamscape tulad ng Dahil sa Pag-Ibig at Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

At dahil pareho silang single ngayon ni Paulo ay possible raw bang maging sila?

“’Yung kay Paulo naman, it doesn’t mean naman kapag partner mo ang isang lalaki at single siya, eh, magiging kayo. As much as possible po, sana hindi kasi ‘di ba, ano, every project, boyfriend mo ‘yung guy parang hindi naman okay,” pangangatwiran ulit ng dalaga.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …