Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelica Panganiban, isa sa pinakamagandang celebrity endorser ng alak

YES, walang halong exaggeration, isa talaga si Angelica Panganiban sa pinakamagandang celebrity endorser ng alak. Buong ningning na ipinakita ni Angelica ang kanyang taglay na alindog sa pabulosang media launch ng kanyang bagong wine endorsement na Excelente Brandy na ginanap last Thursday sa One Esplanade diyan sa MOA. Sosyal dahil this time ay imported ang alak na ipino-promote ni Angelica at gawa sa Spain. Tiyak na maraming maeenganyo ang sexy actress comedienne na mga barako sa kanyang TVC na inaaya niya ang mga lalaki na mag-good shot muna. Ang Excelente ay kasama n’yo sa inyong tagumpay kaya in every celebration ay huwag kalimutan ang brand ng nasabing alak na inyong mabibili na sa market. Masaya si Angelica sa bagong endorsement dahil may bago na silang pagsasaluhan ng boyfriend na si John Lloyd Cruz tuwing isi-celebrate nila ang kanilang monthsary. Pagbibida pa ng actress bukod sa masarap ay Pinoy na Pinoy ang presyo nito. Ibig sabihin, very affordable. Sa nasabing event na dinaluhan ng mga top executive ng Excelente ganoon na rin ng kanilang mga partner ay nagpakwela si Angelica kaya naman kinaaliwan siya ng lahat. Sina Grace Lee at Ramon Bautista ang nag-host ng naturang bonggang launching.

By the way, sinagot pala ni Angelica ang isyung di siya invited sa parating na wedding ng kaibigang Melai Cantiveros at Jason Francisco. Masyado raw kasing na-hurt si Jason sa mga sinabi ni Pooh na kanyang sinang-ayunan na parang hindi pa kayang buhayin ni Jason ang komedyanang pakakasalan sa GENSAN. S’yempre bilang kaibigan nila ni Pooh at kasamahan sa Banana Nite, concerned lang sila kay Melai at wala naman silang ibig sabihin. Pero kung carry na naman ni Jason ang obligasyon para maging ama ng anak ni Melai ay hayaan na lang daw natin sila. Sa isyung hindi sila in- vited ni Pooh, ay naririto ang sagot ni Angelica. “Hindi! Hindi rin naman ako invited. Wedding nila iyon. I-enjoy nila.” Well baka naman last minute ay imbitahan rin sila ni Pooh ni Melai, so, mas lalong magiging masaya ang wedding kapag kompleto sila.

Let;s wish for the best gyud!

TEXT NA HILING NI BOSSING VIC SOTTO PARA SA MGA NASALANTA NI YOLANDA DINAGSA

Pagdating sa pagtulong sa mga kababayan natin na dinaluyong ng iba’t ibang unos tulad ng lindol at recently lang ay ang super typhoon Yolanda na naminsala ng maraming lugar, aria-arian at buhay sa Kabisayaan partikular sa Tacloban, Leyte, laging nangunguna sa pagkalap ng relief goods ang Eat Bulaga. Last Saturday, dinagsa ng milyon-milyong texter ang hilig na “Text: ni Bossing Vic Sotto sa bawat manonood ng kanilang programa at ang katumbas nito ay milyon-milyong piso rin na karagdagan sa mga nauna nang ipinadalang tulong ng Bulaga sa marami nating kababayan na biktima nga ng bagyong Yolanda. Araw-araw ay kahon-kahon at sako-sakong relief goods ang personal na dinadala ng mga Good Samaritan sa studio ng Eat Bulaga na agad-agad namang ipinasadala ng EB Dabarkads sa mga dapat nilang tulungan. Patunay lang na kapag gumagawa ng malawakang Bayanihan ang Bulaga ay sinusuportahan ng nakararami kasi tapat naman ang kanilang pagtulong. Bawat host ng show ay gumawa rin ng paraan para mai-share ang kanilang blessings sa kanilang Dabarkads na sa mga panahong ito ay lugmok sa kanilang mga sinapit.

Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …