Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MJ Cayabyab, Viva’s next balladeer

MASUWERTE si MJ Cayabyab, ang pinakabagong balladeer ng Viva na ipinakilala noong Huwebes ng gabi dahil nabigyan siya ng pagkakataong maipakita pa at mapalawig ang talento.

Nalaman naming dalawang taon ding sumali-sali sa reality show si MJ, 19, at nagmula sa South Cotabato. Hindi man pinalad, nagkaroon naman ng pagkakataon na may makakita sa kanyang talent na siyang daan para maging maisakatuparan ang pangarap na maging singer.

Pinapirma siya ng Viva ng limang taong kontrata at ito ay sa pamamagitan ng kanyang road manager na si Tom Adrales na naging daan para maipakilala kay Boss Vic del Rosario.

“I was so happy when I met Boss Vic because I felt that my dream is slowly becoming a reality,”sambit ni MJ na naglunsad ng kanyang self-titled album na available na ngayon sa mga record bar at release ng Viva Records.

Nakapaloob sa album ang limang original composition tulad ng Dahil Sayo (by MJ); Kahit Ika’y Nagbago (by Tito Cayamanda); at Mahal Na Mahal Kita (by Vehnee Saturno) at ang dalawang revival songs na Larawang Kupas at Muntik Na Kitang Minahal.

“As a singer, I’m really into love songs. You can easily feel the lyrics of the songs and relate with it because it comes from the heart. I tried other types of songs before pero hindi ko masyadong maramdaman ang meaning ng song. And when I compose the song ‘Dahil Sayo’, it took me only a day to finish it. I based it from a story of a friend. Although sometimes nahihirapan ako gumawa ng ending. But with this song mas naging madali sa akin,” sambit pa ni MJ.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …